"Ang cute cute talaga ng baby na 'yan."

"Kapag ate, hindi na baby?" Patuloy sa kyuryosong tanong ang anak.

Nagkatinginan sila ni Dwaye. Sometimes they feel like Atasha is not yet ready to be an ate or to have a sibling. Sinigurado naman nila ni Dwaye na hindi sila nagkukulang sa pagmamahal at pag aalaga sa panganay na anak. Pero sadya yatang matanong lang si Atasha.

"Baby parin." Si Dwaye. "Ikaw at ang kapatid mo ang Baby namin ni Mama. Okay?"

"Baby pa rin Atasha Daye? Kahit may ibang baby?"

"Yes." Sabay silang sumagot ng asawa.

Parehong tila nararamdaman ang gustong mangyari ng panganay nila. Na gusto nito ay baby parin nila ito kahit may mas baby pa.

"Magmimilk pa rin ako kahit... kahit may baby na? Pwede?"

Jess smile warmly at her Atasha and caress her hair. Ang agam-agam sa mata ng anak ay hindi maitago.

"Oo anak ko, magmimilk ka pa rin kahit hanggang kailan mo gusto. Baby ka pa kaya kailangan magmimilk ka palagi."

Agresibo itong tumango-tango. Baka iniisip ay ihihinto nila ang pagdede nito, hindi naman.

"Hindi na mi-milk Kuya Blake, Mama. School na siya."

"Yes, hindi na sa bottled milk si Kuya Blake. Sa baso na siya umiinom ng gatas."

"Pag school na Atasha Daye..." lumikot ang mga mata nito, may pag usli pa ng labi.

"Hmm?"

"Gusto Atasha Daye milk... kahit school na, Mama."

"Pwede naman anak. Magdadala tayo ng milk mo sa school. Bottled milk."

Daye's eyes spark in excitement. Naudlot ang pag-aaral nito sa Maynila kaya dito nalang ipagpapatuloy, sa eskwelahan na pinapasukan ng pinsan nitong si Blake.

"Pero sa Lunes, si Daddy muna ang maghahatid sayo sa school, ha?"

"Opo." Mabait itong tumango tapos tiningala si Dwaye na malamlam ang mga matang pinapanood silang mag ina. "Wait fo-y me, daddy, okay?"

"Gusto mo do'n lang ako?"

"Opo, e."

Dwaye lips protruded a bit. Nang lumingon sa kanya ay napakibit balikat.

"Okay, daddy will wait for you until you finish."

"Ayos lang 'yan. Dalawang oras lang naman." Aniya sa asawa.

"Yeah, I will stay there. And you stay here, okay? Ayokong nagpapagod ka." Umatake na naman ang pagiging over protective sa kanya.

"Hindi naman. Dito lang kami ni baby sa bahay o kaya kina Alexza, habang naghihintay sa inyo ni Daye."

"Yes, that's much better."

Malambing na inihilig niya ang ulo sa balikat ng asawa. Naramdaman niya ang paghalik nito sa ibabaw ng ulo niya. Dwaye and his sweet gesture, hulug na hulog na talaga siya dito. Mabuti nalang ay palagi lang din itong nandyan para saluhin siya.

"MAGPAKASAL ulit tayo pag lumabas na si baby."

Ilang beses na siyang inaya ni Dwaye na maikasal ulit sila. At heto ay nag aaya na naman. Linggo ng umaga sa tabing dagat.

"Hindi naman ako humihiling ng bonggang kasal, ha. Okay na sakin ang kasal natin sa Bayan."

Sa likod niya ito nakapwesto, kapwa nakaupo sa buhanginan na sinapinan lang nila. Pinapanood nila si Atasha na magsawa kakalaro sa buhanginan, sa dalampasigan. May iilan din na turista do'n.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz