3 ~ Phone call

274K 9K 5.7K
                                    



CHAPTER THREE

HATING-GABI na nang magising si Jessielyn dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ng bahay na tinutuluyan niya. Maingat na bumangon siya sa kama, ang komosyon sa labas ay hindi nakatakas sa pandinig niya.

"Halughugin niyo ang buong kabahayan!" Galit ang boses ng isang lalaki.

Bumangon ang kaba sa dibdib niya. Jess was living alone in that house. Ang mga kasambahay at mga magsasaka ay malalayo ang bahay mula sa kinaroroonan niya. She used to stay in this place with Alexza, before her friend escaped together with Dwaye few days ago. Ngayon, siya ang naiwan.

Nang marinig niya ang mga yabag papunta sa pangalawang palapag ay mas lalo siyang nataranta.

"Damn! Damn!" She cursed lowly before she went to the window of her room.

Her mind tells her to escape. She needs to escape from these monster! Wala siyang ideya kung sino ang mga taong 'yon. Mga magnanakaw ba? Rapist? Terorista? Hindi niya alam!

Ilang pinto na sa pangalawang palapag ang nagbukas-sara, ang silid na inu-okupa niya ay nasa pinaka-dulo. Nang marinig na papalapit na ang mga yabag ay nagpasya siyang tumalon sa bintana.

"Ouch! Ahhh!" Pigil na pag-igik niya nang bumagsak ang katawan niya sa lupa.

Mumunting ilaw lang nagsilbing liwanag niya upang makatakbo sa malawak na palayan para makatakas at humingi ng tulong, lalo pa at nakita niya sa harap ng bahay ang dalawang itim na SUV, at may iilang kalalakihan na pawang mga nakaitim at may mga hawak na baril!

Kahit kinakabahan at iika-ika ay pinilit niya ang sariling maglakad-takbo, itinatago ang sarili sa matataas na damo ng palayan.

"Walang tao! Bukas ang bintana sa huling kwarto sa itaas!" Malakas na anunsyo ng isang lalaki.

"Nakatakas! Halughugin niyo ang buong lugar! Hindi pa 'yon nakakalayo!"

"Hanapin niyo sa palayan! Go! Go!"

Patindi nang patindi ang kaba sa dibdib niya lalo pa't nakita niya ang ilang kalalakihan na nagsitakbuhan na sa palayan at may mga hawak na flashlight!

She's wondering if she's really the one they are looking for? Or maybe it's Alexza? Or Dwaye? Bakit ba siya nadamay sa gulong ito?

Sa kakamadali ay hindi napansin ni Jessielyn ang mga lupang nakatambak sa dinaraanan niya dahilan para madapa siya, at gumawa ng ingay nang bumagsak ang kanyang katawan sa palayan.

"Nandon! Nandon!" Sigaw ng isang lalaki at mabilis na natutukan ng flash light ang gawi niya.

Maraming yabag ang narinig ni Jess hanggang sa may humaklit sa braso niya para mapatayo siya.

"Hindi ako ang hinahanap niyo!" Sigaw niya kaagad at panay ang pasag sa dalawang lalaki na halos buhatin na siya papunta sa SUV.

"Ikaw ang sadya namin! Tumahimik ka!" Sigaw din sa kanya ng lalaki at mas lalong humigpit ang kapit sa braso niya na sigurado siyang mag-iiwan ng marka sa kanyang balat.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon