Epilogue

450K 11.9K 6.6K
                                    

Muli, lubos po ang aking pasasalamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa Territorial Men Series.

Masaya ko rin pong ipinapaalam sa inyo na lalabas na sa NBS ang Series 1 & 2 under LIB Bare. Abangan niyo na lang po ang ilan pang announcement tungkol sa book version ng Series na ito.

Thanks to ate Jessielyn 'Jess' Tibos for letting me use your name as my heroin here. 😚

Territorial Men Series 5: Zyron Fuentes
Posted na po dito sa Wattpad. See you there. 😉

This is the final/last update for this story. Mamimiss ko si Jess, Dwaye and especially our baby Atasha Daye. Cute cute ng bata na 'to. Ang sarap i-uwi.

EPILOGUE

NAPAPANGUSO nalang si Jess habang pinapanood si Dwaye na panay ang kuha ng litrato sa kanya.

Anim na buwan na ang tiyan niya at malaki na rin 'yon kaya naman mas nararamdaman niyang natutupad na ang pangarap at pantasya ni Dwaye na makita siyang malaki ang tiyan.

"You're so beautiful. God." He lovingly said.

Sa teresa ng beach house nila ay tanaw ang hindi kalayuan na malawak karagatan. It's really a perfect view and a perfect place to settle down with the person you love.

Sa tabi niya ay naupo ang asawa. Ang puting mahabang rattan na inuupuan ay napapalibutan ng kulay asul na mga throw pillow. Sa sahig na nalalatagan ng kulay asul na carpet ay si Atasha na kuntentong naglalaro mag isa.

"Talaga? Hindi ba ako mukhang haggard?"

Sa paningin niya ay ang pangit niya, pero hindi sa paningin ng asawa. Araw-araw siya nitong pinupuri. Gandang-ganda sa kanya.

"Hindi. Lalo ka ngang gumanda ngayon." Anito sabay haplos sa ibabaw ng malaki niyang tiyan.

Binaba niya ang tingin sa kamay ni Dwaye. Nadepina ang ugat sa ibabaw niyon dahil sa pagkakapatong ng palad nito sa puting bestidang suot niya. The ring on his finger is showing proudly.

"Hindi mo ako ipagpapalit sa maliliit na tiyan?" Tudyo niya na ikinatawa nito.

"Never. I will stick with my wife. Hindi ko kailangan ng maliit na tiyan, kung hindi mo naman tiyan 'yon. Dito nalang ako sa tiyan na malaki..." hinimas-himas nito ang ibabaw. "...anak ko naman ang laman nito. Hindi ko 'to ipagpapalit." Sabay halik do'n.

Jess heart melted. She can feel the contentment being with Dwaye and Atasha. Ito na yata ang buhay na wala na siyang hihilingin pa, ang klase ng buhay na nababasa lang noon sa mga librong tungkol sa pag-ibig, nangyayari na sa kanya ngayon.

Umihip ang panghapon na hangin kasabay ng paghuni ng mga ibon sa paligid. Nasasanay na ang tenga niya sa mga tunog na 'yon, sabayan pa ng mararahan na hampas ng alon di kalayuan.

"Mama, baby pa ako? Atasha Daye?" Biglang tanong ng anak kaya napababa siya ng tingin dito.

Napapalibutan din ito ng asul na throw pillow at pareho silang nakaputing summer dress.

"Oo naman, anak. Baby ka pa."

"Ate, Atasha Daye, sabi daddy." Lito sila nitong tinitignan.

"Magiging ate ka rin kapag lumabas na si baby." Paliwanag niya. "Come here."

Inilahad niya ang kamay kay Daye na kaagad namang inabot at tumayo, kay Dwaye nga lang kumandong dahil malaki ang tiyan niya.

"Your baby brother will call you 'Ate Daye' what do you prefer?" Si Dwaye.

"Ate baby, po."

Lumabas ang masayang tawa sa kanya pati na rin kay Dwaye. She pinched the tip of her daughter's nose lightly.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Where stories live. Discover now