10 ~ Drugged

284K 7.2K 4.7K
                                    



CHAPTER TEN

NANUNUKSO ang tingin kay Jess ng kaibigan na si Mylene nang maabutan nito si Dwaye at Atasha na sabay na kumakain ng almusal.

"Tignan mo, oh. Ang cute cute nilang dalawa." Myle said dreamily. "Hay, sana lahat ng daddy ganyan 'no?"

"Anong ganyan?"

Mula sa veranda ay pahapyaw lang ang mga sulyap niya sa mag-ama at medyo mahina rin ang pag-uusap nila ng kaibigan na hindi napigilan bumisita nang ganito kaaga.

"Look at his arms, parang ang sarap yakapin. Ganyan na ganyan 'yung tipo ko, suplado at parang misteryoso. Kaya pala..." ngumisi sa kanya si Mylene. "Kaya pala nabuo ang baby Atasha-"

"Shh!" She cut her off with a glare. "Tumigil ka nga at baka marinig tayo."

Agresibo na lumapit ng upo sa kanya ang kaibigan, sabay nilang lihim na pinapanood ang dalawa.

"Magkatabi kayong natulog kagabi?" Pabulong na usisa pa nito.

"Hindi no! Sa gitna namin si Daye."

"Hindi man lang gumapang ang kamay niya sayo?"

Uminit ang pisngi niya sa tanong na 'yon at marahan na inilayo sa kanya ang mukha ng kaibigan.

"Hindi. At hindi rin naman ako papayag na hawakan niya ako." Umirap siya. "Hindi na ulit."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon. Baka kapag nilambing ka ni daddy Dwaye, bumigay ka kaagad." Tukso pa nito, tapos ay sinundot-sundot ang bewang niya.

"Hindi ko iniisip 'yan, Myle. Masaya ako na anak ko lang ang kasama ko. I don't even think that I would ever need him in my life."

"Kailangan mo siya. Atasha need a father. Hindi naghahanap ngayon 'yung bata, pero paano kapag naghanap na?"

That question stunned her for a moment. Inaasahan niya na darating ang araw na magtatanong si Atasha tungkol sa ama nito, paano niya nga ba sasagutin ang anak?

"Then I will explain to her that me and her father are not in good term. Eventually, my daughter would understand the situation."

"Wala ka talagang balak buuin ang pamilya niyo?"

"Gusto ko, pero alam akong malabo 'yon. Dwaye is the type of a man who doesn't think about settling down and be with a one woman. Ang bumuo pa kaya ng sarili niyang pamilya?"

Myle look at the two again then she sighed.

"Bakit parang iba ang sinasabi mo sa nakikita ko? He looks very fond at Atasha. And, it's quite surprising that he let your daughter post a photos of her in his Instagram."

"Maybe, he was just being nice with my daughter. Hindi siya makatanggi."

"Pwede siyang tumanggi, Jess, pero hindi niya ginawa. Isa lang ang ibig sabihin niyon, gusto niya 'yung bata at handa siyang sundin lahat ng gusto ng anak niyo."

Napasandal si Jess sa inuupuan, parang nanghihina sa topic nila ng kaibigan. Siguro ay nagbubulag-bulagan lang siya sa nakikita na kagustuhan ni Dwaye na sundin ang lahat ng gusto ng kanyang anak.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon