C37 - AKO SI MOMOXINE CLARCKSON

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakikita ko ang mga tao. Nagpapanic, natatakot. 

"HA! HA! HA!" malakas na paghinga ko , hinahabol ko ang hininga ko habang nakahawak ang kanang kamay ko sa may left part ng dibdib ko kung saan nakalocate ang puso ko. 

Napayuko nalamang ako sa sobrang kapaguran at sa sobrang sakit narin ng katawan ko. P-paanong? 

"Cj! Ok ka na ba?!" 

 

"WAAAAAAAAAAAAAAAA! papa cj naman e! Pinag-aalala mo kami eeeeeeeeeeee! Akala ko mabubura kana sa planeta nating mga gwapo!"

Bigla akong naluha dahil sa narinig kong muli ang mga boses nila. hindi ko-- hindi ko inakala...

Bigla akong nabuhayan at tumingin sa dalawang taong nakaluhod sa harapan ko sabay bigla ko nalamang silang niyakap na parang sabik na sabik akong makita sila. 

Ang dalawang ito. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang mga baliw at may saltik na mga ito. 

Nakapikit lamang ang mga mata ko habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko.

"WAAAAAAAAAAAAA! Grabe ka papa cj! Ginulat mo ako! Akala ko naging monster ka na talaga e!" 

Medyo napagiggle ako sa sinabi ni Jp. Oo tama kayo, ang dalawang yaka-yakap ko ngayon ay ang dalawang baliw at may saltik na mga kaibigan ko--more like bestfriends. 

"Akala ko tuluyan na kayong mawawala"

 

"Pwede ba naman yon! Remember! nangako tayo sa isat isa! Na kahit kailan--" 

At bigla namang nagflashback sa isip ko ang mga panahon na mga first year highschool palang kami at nasa musci room kami. 

Magkaka-akbay, Nakangiti, mga masasaya.

"--HINDING-HINDI MAWAWALA ANG PAGKAKAIBIGAN NATING APAAAAAAAAAT!" 

At doon nagsimula ang pagkakaroon namin ng sariling banda. 

"YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEY!" 

Bigla ko nalang narinig ang malalakas na sigawan ng mga masasayang tao sa paligid namin. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang masaya at mga naiiyak na nakangiting mga tao sa paligid ko. Oo nga pala, nasa gitna nga pala kami ng stage -_-. Nako naman! ang bading!

tumayo na kaming tatlo at nakita ko ang syntax error na nasa gilid namin habang mga nakangiti. Nginitian ko sila habang papalapit sakanila. 

Nakipag-apir ako ng makalapit ako sakanila

"Grabe cj! ang takot ko kanina sayo e!" sabi ng drummer nila, natawa nalang ako sa sinabi nya.

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon