C28 - Their Sides

2.8K 71 17
                                    

WAAAAAAAAAAAAA! Patawarin nyo po akoo! T^T . I didnt mean to ate your foods guys >3< . Im hungry xD. -and always be :3- Ok BTW Thank you po sa mga patuloy na naghihintay ng UD ko para dito sa story ko and dun sa isa, Sorry kung masyadong natagalan kasi malapit na po exam kaya magtutuos nanaman kami ng kalaban ko (yung exam xD) . Support me! BUWHAHAHA!  \m/ 

And please correct me sa mga typo, Draft lang kasi itong ina-update ko, Masyado akong busy para i-correct sya, Its a big help kung itama nyo po yung mga mali ko. Dont worry ill correct it naman ^-^ 

PS: This chap is more switchable P.O.V's  :3

~Lablab <3 Wolf 88 -kai- *m*

CHAPTER TWENTY~EIGHT - THEIR SIDES 

Thyler's P.O.V 

"Pao.. Pao" 

Tinatawag ko sya pero ayaw nya akong lingunin, NAkahiga parin sya sa kama nya na hospital bed at nakapako parin ang tingin nya sa kakasarado lang na pinto na nilabasan ng kapatid ko. Oo , Nandito parin kami, at hanggang ngayon ayaw parin nya akong pansinin. Parang bang wala syang naririnig, parang bang wala ako sa mundo nya. 

Pero nandun pa nga ba ako?. Matagal kong pinagsisihan na sana hindi ko na lang sya pinakawalan, Sana kumapit pa ako ng mahigpit sakanya, Sana umamin nalang ako, Sana sinabi ko yung sakit ko, Edi sana masaya parin kami hanggang ngayon, Edi sana magkasama parin kami hanggang ngayon. 

Hindi ko kasalanan na saktan sya, ayokong saktan sya kaya mas pinili kong ilayo sya sakin ng ako na mismo ang gumagawa, Oo doble pa ang sakit nito sakin ng gawin ko iyon, halos nawala na ang lakas ko ng iwan ko sya nung araw na iyon. Sobra akong nanghina na akala ko matutuluyan na ako . Pero sobra na talaga ang tadhana, Napaka-selfish nya. 

"Pao.. Pao pansinin mo naman ako oh" hinawakan ko yung kamay nya. Nasasaktan ako ng dahil sakanya. Ayokong nakikita syang malungkot. Wag naman nya akong iwan.. Kahit ngayon lang.. 

"Pao.. Pao pansi--" 

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko mismo ang pagpatak ng luha nya sa kumot nito. Hindi ako makapagsalita, Ni hindi ko magalaw ang katawan ko. Ang lamig ng kamay nya, Napatingin ako sa mga mata nya, Puno ng lungkot at sakit ang nandoon, Sinasaktan ko nanaman ba sya??? Ako nanaman ba ang may gawa kung bakit sya umiiyak??? 

Ngayon ko lang nakita mismo ang pagpatak ng mga luha nya, Ni minsan hindi ko pinapaiyak si Pao, Kung iiyak man sya hindi ko naman hinahayaang tumulo ito sa harapan ko, Dahil sigurado akong mawawala ako sa sarili ko at baka kung ano pang magawa ko sa nagpaiyak sakanya, Pero bakit ngayon kahit wala akong ginagawa bakit ramdam ko na dahil sakin kaya sya umiiyak?. 

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon