C7- SO MANY REALIZATIONS

4K 119 7
                                    

Paolline's P.O.V


Alam niyo 'yong feeling na sobrang sakit na talaga ng puso mo dahil sa sobrang sakit ng ginawa ng tadhana sa'yo?.

Bakit ba 'to nangyari sa'kin?. Ano ba'ng pagkukulang ko at sinaktan ako ng sobra?. Nagmahal naman ako ng tapat. Minahal ko siya ng sobra pa sa buhay ko pero--

Pero bakit nasaktan pa rin ako?. 

Ang sakit lang kasi bakit kailangan pa niya akong iwan?. Bakit kailangan pa niyang umalis ng walang sinasabing paliwanag?. Tatanggapin ko naman kung sasabihin niya ang totoo e.

Kung hindi na niya ako mahal, sana lang hindi nalang niya ako pinahirapan pa ng ganito sa kakaisip kung ano ba talaga ang problema naming dalawa at nangyari ito sa'min.

Hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong isipin. Maraming katanungan ang nananatili sa'king isipan. Kung mahal pa ba niya ako o hindi na. Ang hirap kasing umasa sa wala e.

*Knock knock*

"Mich?. Mich nand'yan ka ba?"

Napapunas ako agad-agad ng luha gamit ang mga kamay ko "O-oo, pa-pasok ka"

Bumukas ang pintuan at pumasok si Ian. Minsan napapaisip nga ako e. Siguro kung una kong nakilala si Ian baka siya pa ang boyfriend ko ngayon--pero impossible namang mangyari 'yon no -_-. Lakas mag-feeling e no? pfft. Okay, masyado lang po akong assuming ( >.>). Impossible naman kasing ligawan ako ng lalaking 'to, magkagusto pa nga lang ata hindi mangyayari e.

"Mich" tawag sa'kin ni Ian habang papalapit siya sa akin.

Tumabi siya sa'kin sa kama "Ayos ka na ba?"

Alam niyo kung hindi lang ako brokenhearted baka na in love pa ako sa lalaking 'to. Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking ito e over ang katawan sa kasweetan tapos ang caring pa niya. Hays, namimiss ko tuloy si Thyler. Sana bumalik na siya para may maggaganyan ulit sa akin araw-araw. Pero hindi na ata siya babalik pa.

Kainis naman kasi e. Bakit pa kasi 'to nangyari. Alam ko-- babalik siya.  Mahal niya ako. Mahal daw niya ako e. Sabi niya diba?. Sinabi niya 'yon bago siya umalis. Mahal niya ako. Mahal niya ako. 

'Hanggang kailan mo papaulit-ulitin 'yung mga salitang "Mahal ka pa niya?"  ha, poa?'

"Mich" naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Bakit?. Bakit ba niya ako iniwan?. Bakit?.

"Mich. Mich 'wag ka na naman maghabol sa kanya. Hindi na siya--"

Mabilis  na kinalas ko ang pagkakayakap niya sa'kin at agad siyang tinitigan sa mga mata niya. Biglang nag-init ang ulo ko kay Ian.

"ANO?!. NA HINDI NA SIYA BABALIK?!. GANO'N BA?!. HA?!. IPAPAMUKHA MO SA'KIN NA HINDI NA NIYA AKO MAHAL?!. NA--" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang mahirapan akong huminga dahil sa pagpilit ng katawan kong umiyak "na hindi na siya babalik?!" humina ang pananalita ko dahil sa pag-iyak " na may ma-mahal na siyang ib-iba?!" 

Napayuko nalang ako habang umiiyak. Ewan ko, feeling ko ako nalang mag-isa. Feeling ko mag-isa nalang ako sa buhauy kong ito, kung saan madilim na dahil nawala na ang liwanag ni thyler. Na wala na'ng umiintindi sa'kin. Na wala na'ng makakaintindi sa'kin. 

"Mich" hahawakan sana ako ni ian ngunit inaalis ko ang bawat paghawak sa'kin ni Ian habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sinisipa-sipa ko ang mga paa ko sa kama para makalayo ako kay Ian. Lapit naman ng lapit sa'kin si ian.

Ang Boyfriend kong SikatWhere stories live. Discover now