C11- THAT VOICE AGAIN

3.5K 84 5
                                    

Jansen's P.O.V


"Mommy, labas lang ako" tumango siyang hindi bumabaling ng tingin sa'kin habang nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan niya. Hawak-hawak ni mommy ang kamay niya habang pinagmamasdan ang tulog nitong mukha.

Hinawakan ko ang balikat ni mommy para iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya. Kanina pa kasi siya walang imik at ngayo'y nakikita kong nangingilid na ang kaniyang mga luha sa mata. Ayoko namang makitang nagkakaganito ang mommy ko. Alam niyo namang mahal ko ang mommy ko na kaya kong manakit ng taong mananakit sa mommy ko.

Nang ma-realize kong hindi niya ako kakausapin ay napabuntung-hininga nalang ako. Tumingin muna ako sa kaniya't lumabas na ako ng kwarto.

Dumaretso ako sa terrace namin. May terrace kasi ang bahay namin sa second floor. Kung titignan n'yo, ang terrace namin ay nasa pinakadulo ng mga kwarto namin sa left side ng bahay.

Naglibot ang paningin ko sa labas ng bahay. Mula sa itaas, makikita mo ang malawag na garden ng bahay namin. Maraming puno ang nakapalibot dito. Pwede kang magbike, mag horse back riding, magpicnic at kung anu-ano pa. Nakakamiss nga ang nakaraang memorya na naaalala ko sa mga sandaling ito.

"Sir Adrian" narinig kong may nagsalita sa likod ko. Tumabi ito sa'kin sabay abot sa'kin ng baso ng juice na hawak niya. Alam niya na kasing kapag pumunta akong terrace ay kailangan n'ya akong dalhan ng juice. Sanay na ito sa ganitong routine. Kung sa sarili ko ngang tahanan parang akong hari. Well, hari talaga ako doon, dito naman prinsipe ako.

"Salamat" aniya ko sabay tanggap ng juice. Tumango lamang siya sa'kin.

His name is Jacob. Parang kaibigan ko na rin 'yan. Minsan kasi siya ang sinasabihan ko ng mga sikreto ko sa buhay. Siya ang lagi kong kasama, syempre batler ko siya e. Siya minsan ang nag-aalaga sa'kin. Parang yaya kasi ang trabaho niya bilang batler ko. Minsan siya ang nagtatanggol sa'kin. Kaya ko naman ang sarili ko pero ayaw ni mommy na mag-isa lang ako. Idol ako n'an ni Jacob. Noong unang araw niya dito bilang batler ko I really trained him. Tinuruan ko siyang makipagsuntukan, magkarate, tae kwon do, mambara, maging matapang, maging matalino sa sasabihin, mag-english at kung anu-ano pang lengwahe. Kailangan niya kasi 'yon bilang isang batler.

"Sir, sigurado na po ba kayo sa desisyon niyo?" aniya nito na katulad ko'y nakatingin lang sa kalawakan ng mundo. Gaya nga ng sabi ko sa inyo, sinasabihan ko siya ng mga sikreto ko. 

Hindi ako tumingin sa kan'ya bagkus ay ngumiti nalang ako "Jacob. Kilala mo ako"

"Basta sir tandaan niyo. Sundin niyo rin ang nilalaman ng puso n'yo" 

Tumingin ako sa kaniya,  "Thank you, Jacob"

Tumingin rin siya sakin at tumango, umalis na siya tabi ko dahil may gagawin pa siya sa bahay. Napatingin ulit ako sa labas. Ang ganda at maaliwalas. Sana gan'yan kalinis ang gagawin ko sa ngayon. Sana maging maayos ang lahat pagkatapos ng mission ko.


Nagda-drive na ako ngayon papuntang bar. Mag-iisip muna ako ng gagawin ko para bukas. Kailangan ko munang alamin kung sino 'yong babaeng tinutukoy ni kuya. Para kapag gumaling na siya. Pero ang laking problema ang mangyayari sa katapusan. Basta!. Gagawin ko nalang ang mission ko. Tsk.

'Tigas talaga ng ulo ko, hahaha'

Naalala ko kasi ang sinabi sa'kin ni Jp kanina. Bawal nga pala ako mag-inom. Pero hindi naman ako masisisi ni Jp e, kailangan kong mag-inom ngayon. 

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon