Kabanata 9: Maniac

135 8 0
                                    

Kabanata 9



Princess Lourelle's Point of View

Dahan-dahan na bumaba ang aking katawan. Wala akong lakas na lumaban. Marunong akong lumangoy pero nanghihina ang katawan ko. Buong pwersang hinila ko ang katawan ko papaakyat.

Kumukuha ako ng hangin. Sinimulan ko na ang aking paglangoy ngunit nawalan ako ng lakas. Mabigat sa dibdib. Nasa gitna pa naman ako ng dagat. Nahihilo rin ako at masakit ang dugat sa aking braso.

Habang hinihila ako pababa ay may nakita akong lalaking nakasuot na sando na itim ang lumusong sa dagat. Nahila na ako pababa, parang hinihigop ang aking lakas. Dahan-dahan na pumikit ang aking mga mata.

------

"Miss, gising!"

Panaginip ba ito? Bakit pakiramdam ko ay hindi? Narinig ko ang boses ng lalaki.

"Miss, gumising ka!"

Tinatapik nito ang aking pisngi. Panaginip to noh? Boses lang ang narinig ko. Sana masuntok ko itong taong ito. Binuksan ko ang aking mga mata. Namilog ang aking mga mata nang may lalaki ang nasa aking ibabaw at tinignan ako.

Agad ko siyang itinulak, tumayo ako at sinapak siya sa mukha. "Manyak!" sigaw ko sa kanya.

Ngumiwi siya sa akin at hinawakan ang kanyang pisngi. Nagtataka niya akong tinignan. Tumalikod ako upang umalis sana nang hinawakan niya ang dulo ng suot kong long gown.

Inis ko siyang nilingon at sinipa sa mukha. Sa pagkakataong ito, ay napadaing siya sa sakit.

"Ang sakit nun miss!" hindi ko siya pinansin at tumalikod pero hinawakan niya parin ang dulo ng gown ko.

"Bitawan mo nga ako!" hinila ko ang dulo ng gown ko at tumakbo palayo sa kanya. Hinabol niya ako at hinawakan ang aking palapulsuhan. Nilingon ko siya at binawi ito. Sinuntok ko na siya sa panga. "H'wag mo kong susundan! Manyak ka!" inis kong sigaw at tumakbo palayo.

Umakyat ako sa malaking bato. Kailangan kong makaalis rito. Walang pumasok sa isip ko kung paano ako makaalis rito.

"Miss! Teka!"

Hindi ko siya pinansin at lumiko sa kabila. Patuloy lang ako sa pag-akyat sa mga bato. Kailangan kong makita ang buong lugar para makagawa ako ng paraan para makatakas. Napahinto ako ng nasa dulo na ako ng bato, napatingin ako sa ibaba kung saan purong tubig nalang ang aking nakita.

Nasaan ba talaga ako?

May humawak sa aking palapulsuhan. "Miss."

Napapikit ako sa inis at buong lakas na binawi ang aking palapulsuhan, napaatras ako. Napalingon ako sa likuran sa ibaba, nabibiak na ang bato at mahuhulog na ako.

Nang tuluyan nang mabiak ang bato ay siyang muntik ko nang ikahulog. Nilingon ko ang lalaking humawak sa aking beywang.

Napatayo kaming dalawa at hinila ako. Hindi ako nagpumiglas dahil baka mahulog kami sa dagat. Nang makalayo na kami, tinignan ko siya ng blangko.

"Miss, pangalawang beses na kitang niligtas. Wala bang thank you diyan?"

Bahagyang napataas ang kilay ko. "Wala naman akong sinabing iligtas mo ako diba?" asik ko.

"Pero miss utang mo sakin ang buhay mo."

"Hoy manyak, hindi ako nangutang sayo ah? H'wag kang mag-imagine diyan." umalis ako sa kanyang harapan at bumaba ng bato. Nang makababa na ako ay tumigil ako para matanaw ang dagat.

Kung lalangoy kaya ako? Ay hindi pwede, sure ball ako.

"Bakit ka ba nandito miss?" dinig kong tanong ng manyak na lalaki. Hindi ko siya nilingon.

Mirror of the Past (Completed)Where stories live. Discover now