Kabanata 2: Family

210 10 0
                                    

Kabanata 2


Tumakbo ako papalapit ng base ng palasyo kung saan siya nagtatago. Inilabas niya ang baril at hinanap ang aking pigura. Nagtago ako sa ilang mga malalaking istatwa at pinaputukan siya sa braso.

Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan at itinutok sa kanya ang dalawang baril na hawak ko. Ang isang bala ay tumama sa kanyang ulo. Bullseye! Habang ang isa namang bala mula sa kanan kong baril ay itinutok sa nag-didisguise na tagabantay ko at pinatamaan siya sa tuhod.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at binigyan ng upper cat at sinipa na abot sa kanyang mukha.

"Sabihin mo, sino ang nag-utos sayo?" seryoso kong tanong habang ang dalawang baril ay nakatapat sa kanyang sentido.

Nanginginig siyang tumingin sa akin. "H-hindi ko pwedeng sabihin,"

Napangisi ako at tumawa ng sarkastiko.

"Edi h'wag! Tandaan mo, ang hindi pagsagot ng tanong ko ay my kapalit na parusa," nakangisi kong tanong. Tinadyakan ko siya sa dibdib.

"H-hindi,"

Hinila ko ang kayang buhok.

"Aamin ka o hindi?" seryoso kong tanong.

Bigla na lamang ako binalutan ng kaba sa susunod na mangyayari.

"H-hindi," tumawa siya ng mapakla. "M-Mamamatay naman ang lolo mo,"

Talagang may natitira pala siyang lakas ng loob. Pero si lolo. Nagtataka akong napatingin sa kanya at ngayon ay tinawanan niya lamang ako.

Walang alinlangang pinutok ko ang baril at pinatamaan siya sa dibdib niya kaya umagos ang dugo mula doon. Lumingon ako sa aking likuran.

Nasaan si lolo?

Pilit hinahanap ng aking mga mata si lolo. Kaya pala ay iba akong nararamdaman. S-si papa?!

Tumakbo ako at umakyat sa itaas. Dito kitang-kita ko ang lahat sa ibaba pero wala sa papa at si lolo. Dali-dali akong bumalik sa aking kwarto at kinuha ang wireless telephone at isinuot ito.

"Ako ito," medyo umingay ang kabilang linya. Lumabas ako at tumakbo sa kabilang bahagi ng palasyo at hinanap ang aking pamilya.

Umakyat ako sa ikatlong palapag kung sakaling nandoon sila pero wala.

"Prinsesa Lourelle?" tanong sa kabilang linya. "Prinsesa anong nangyayari diyan?" nag-aalalang tanong ng isa na naka-connect rin sa akin.

"Nakita niyo ba sina lolo at papa?" kinakabahan kong tanong. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Hindi po,"

Inis kong pinatay ang wireless local area network o WLAN. Dali-dali akong umakyat pa at nakaabot ako sa pinakatuktok na bahagi ng palasyo. Ang pinakaitaas ay kung saan nakasabit ang kampana.

Patuloy akong umakyat at pahirapan pa ako sa pagtapak dahil naka high heels ako. Naiinis ako dahil ito ang pinili ko!

Napasabunot nalang ako sa aking buhok. Pagdating ko sa lugar na iyon ay nagulat na lamang ako nang may lalaking nakasuot ng tuxedo at hawak niya ang kwelyo ni papa.

Napanginig na lamang ako sa kaba. Tinignan ako ng lalaki at tumawa ng malademonyo. Lumingon ako sa paligid upang makita si lolo.

"Hinahanap mo ba ang lolo mo?" dinig kong tanong ng lalaking naka tuxedo kaya agad ko itong nilingon at sinamaan ng tingin. Nakahanda ang dalawa kong kamay na may hawak na mga baril at ipuputok ko ito mismo sa noo mo!

"Kawawa ka naman prinsesa, baka nasa basement niyo,"

Napahawak ako ng mahigpit sa dalawang baril. Nakahanda na ito! Pero unti-unti akong nawawalan ng lakas na lumaban dahil hawak nila ang aking lolo at papa.

Mirror of the Past (Completed)Where stories live. Discover now