Kabanata 8: She's Missing

Start from the beginning
                                    

"Instead this is what I'll do, actions is what everyone needed. I am not good for flowery words so expect me that I will do this 'actions speaks louder than words."

Marami ang nakatulala sa sinabi ng prinsesa. Lahat ay sang-ayon sa sinabi nito lalo na't nagpakatotoo ang prinsesa sa kanyang pinagsasabi. Hindi siya gumamit ng mabubulaklaking salita na makakapamilog sa lahat ng nakikinig.

"So Prinsesa Lourelle, what do you think of those people that you're referring to?" ang isa namang babae ang nagtanong sa kanya.

"One word, selfish." sabi ng prinsesa. Bumalik siya sa kanyang upuan.

"Bakit po ba selfish?" tanong muli ng babae.

"Dahil nasisilaw sila sa ningning ng ginto't alahas, impluwensya at antas. They think of themselves higher than us, thought of that money is the only solution. That all that they dream of, may hihilahin sila pababa para umangat sila."

"Ang sabi daw nila, wala namang masama kung mangarap ka."

Umikot ang mata ng Prinsesa sa sinabi ng babae.

"Yes wala kung ang pangarap mo ay makakabuti sa lahat. I need your brain miss, hindi lahat ng tanong mo ay nasa akin ang sagot. Obvious naman kasi eh." asik ng Prinsesa. Napayuko na lamang ang babae dahil sa kahihiyan.

"Sorry for my words but I only said the truth."

Napangiti ng mapait ang babaeng reporter. "Pasensya na po."

May kaunting diskusyon ang nagaganap tungkol sa mga bansa na paano nila nasolusyonan ang mga problema. Tanging sagot lamang ng Prinsesa ay may paki ang bawat isa sa kanila at may kooperasyon.

Sa kalagitnaan ng kanilang diskusyon ay bigla na lamang namatay ang projector pati narin ang ilaw ng conference room. May malakas na ingay ang kanilang narinig.

Sa kanilang paglabas ay nabasag ang bulletin board na tinatakpan gamit ang glass at naglalaman ito ng mga sanhi at bunga sa isang bansa.

Sa loob ng conference room ay yumuko ang lahat. Pumasok naman ang mga Army sa nagtutulungan na mga team. Prinotektahan nila ang Prinsesa pati narin ang hari at dahan-dahan nilang inaya papalabas ng conference room.

Sa paglabas ng conference room ay putok na baril na agad ang umalingawngaw sa paligid. Duguan ang isa nilang kasama sa Team D, natamaan ito sa balikat.

Tinulungan naman nila ang kanilang kasamahan. Pinalibutan ng mga US Army ang prinsesa at ang hari. Una nilang pinalabas ang hari at inakay papasok ng kotse.

Inagaw naman ng Prinsesa ang baril ng isang myembro sa Team C at tinulungang barilin ang mga naka-mask na lalaki. Nagtago sa likuran ng istatwa na leon ang prinsesa. Lingid  sa kanyang kaalaman na may isang lalaki ang tumusok sa kanyang leeg.

Nahimatay ang prinsesa dahil isa pala iyon'g Barbiturate para makatulog ang isang tao. Kinarga ng lalaki ang prinsesa sa kanyang likuran at tinakpan ng malaking tela ang kanyang mukha upang hindi ito makilala.

Dumaan siya sa comfort room ng lalaki at binuksang ang bintana sa CR. Pumatong siya sa inidoro at lumabas na karga parin ang prinsesa. Umakyat siya sa gate at ipinasok ang prinsesa sa loob ng van at dali-dali itong pinaharurot.

Matapos ang 25 minutes na mahabang biyahe ay nagising ang prinsesa. Sa una ay nahihilo siya pero agad siyang naalerto nang nakita niya ang sarili niya na kinidnap ng mga di kilalang lalaki.

"Bweset." bulong ni Prinsesa Lourelle at sinapak ang kanyang katabi. Pilit niyang buksan ang van pero nabigo siya. Nasa gitna siya ng dalawang lalaki. Sinuntok siya sa tiyan kaya napadaing siya.

Pilit siyang magpumiglas pero malakas ang mga lalaki dahil ito'y matipuno. Ilang beses na napamura si Prinsesa Lourelle. Huminto ang sasakyan sa tapat ng lumang kompanya na kung saan nangyari ang pagkamatay ng kanyang lolo.

Nagkagapos ang kamay ni Prinsesa Lourelle. Hinigit siya ng dalawang lalaki paakyat ng building. Nasa rooftop sila at may malakas na ingay ang kanilang naririnig. Isang helicopter.

Itinulak nila papasok ang Prinsesa sa loob nang nakagapos parin. Bantay sarado siya ng mga lalaki.

"Bweset kayo, anong kailangan niyo sakin?" inis na ganong ng prinsesa.

"Maghintay ka lang dahil marami ang iiyak dahil sa'yo." sagot ng lalaki sa kanyang harapan.

Unti-unti nang umangat sa ere ang helicopter. Tanaw na tanaw ng prinsesa sa ibaba na lumalayo sila sa rooftop ng kompanya. Patuloy ang paglipad nito hanggang sa nasa gitna sila ng dagat.

Nakahanap ng tyempo ang prinsesa at dali-daling inagaw nito ang baril sa kanyang katabi. She pulled the trigger at binaril ang katabi niya. Sinubukan naman nilang agawin ang baril sa prinsesa.

Tumayo ng kaunti ang lalaki para suntokin sa tiyan ang prinsesa.

"Saan niyo ako dadalhin ah?!" muli na naman nitong tanong at hindi na napigilan ang magalit. Nakaisip ng paraan ang prinsesa. Delikado ito pero ito nalang ang mabuting paraan para makatakas siya.

Mula sa itaas ay tumalon ang prinsesa sa dagat. Tinanaw naman ng mga lalaki ang tumalon na bihag at pinaputukan ng baril.

Sa ilalim ng tubig ay kumukuha ng lakas ang prinsesa at iniwasan ang mga bala. Napangiwi siya sa sakit nang nadaplisan siya ng bala.

Mirror of the Past (Completed)Where stories live. Discover now