"Ngayon ka bumawi sa kanya....guard her heart sa lahat ng taong gustong manakit sa kanya....Sobrang fragile nya Roian..." yinakap ako ni Yvie. Yung kahit iiyak ko ang lahat ng ito hindi pa din mabawasan yung lungkot at sakit na nararamdaman ko.

Yuri's POV

Gustong sumama ni Shann sa akin  sa hospital para makita nya si Cy.  Hindi ako pumayag, hinatid ko sya sa condo ko....bakit nga ba sa condo ko? Wala lang...gusto ko lang sya makita pag uwi ko mamaya.

Alam ko na nasa opisina ko sina Yvie. Mamaya ko na lang sila pupuntahan.

"Jacq!" Tawag ko sa pinsan ko. Lumapit sya sakin.

"Natutulog sya..." at sinamahan nya ko sa designated room ni Cy.

"Kamusta blood pressure nya..." tanong ko sa pinsan ko habang pinapasadahan ko yung result ng medical ni Cy. Nakahinga ako ng maluwag dahil okay lahat sa kanya.

"Normal na hindi kagaya kanina around 10pm...bakit ba nagtrigger ulit?" Tanong nya.

"Sa kaibigan nya...talagang ayaw lumubay sa pang gugulo...may gusto kase yun sa girlfriend ni Cyrll." Kwento ko.

"Ahhh...buti na lang ako yung duty ngayong gabi. Kinausap ko na yung mga nurse na nag assist kanina. " saad nya kaya napatango ako. Lahat kase ng empleyado sa hospital na ito ay na orient na regarding kay Cyrll.

Pagbukas ko ng pintuan nagulat ako dahil naka indian seat na si Cyrll sa ibabaw ng kama habang nakatanaw sya sa bintana.

"Cy..." tawag ko. Sinarado namin yung pintuan. Si Jacq naupo sa isang gilid.

"That Gale...she will suffer...." saad ni Cy at paglingon nya sakin. Balik na sya sa dati. Wala na namang buhay yung mga mata nya.

Lumapit ako sa kanya at pinamulsa ko yung mga kamay ko.
"Tell me...what happened?" Tanong ko.
"Can I call my Mom?" Walang emosyong saad nya.
"Nasa biyahe na sila ngayon kasama ang kuya mo. You can trust me...tell me what happened? What Gale done to you?" Tanong ko. Talagang sarap saksakan ng anestisya ng Gale na yun para kumalma sa pang aaway, sobrang salot na!

"They fucking ruined my family...the hell they have guts to hurt my mother!" Galit na saad ni Cy. Napabuntong hininga ako.

"Tulungan mo muna ang sarili mo na gumaling at bumalik ka sa kumpanya nyo at bawiin mo yung kung anong dapat ang para sa inyo para magising yung tatay mo." Sagot ko.

Batay sa kinikilos nya bumalik na yung dating Cyrll.

"Roian is in my office...sya nagsugod sayo dito...at sabi ni Yvie parang may hint na yung Girlfriend mo...ready ka na bang ipaalam sa kanya?" Tanong ko.

Tumingin sya sakin ng walang kabuhay buhay. Alam ko na nasasaktan sya.

"Parang matatanggap naman nya lahat sayo Cy...kulang na lang magbreakdown sya kanina sa sobrang pag alala sayo...." saad ni Jacq.

"Kung mahal ka nya talaga matatanggap ka nya...." sabi ko.
"I can't afford to loose them...Yuan already love me as well...kapag nalaman nila panigurado hindi ako makakalapit kay Yuan..." malungkot na saad nya.

"Kailangan mo lalo na gumaling...kailangan ka nila...Gale also have a mental disorder ang capable of hurting everyone. Hindi na sya mahandle ni Raffy. Tinanggihan ko yung turnover sa akin. Kaya wag kang duwag dyan...pamilya mo na sila..." saad ko.

Parang hindi na sya nagulat sa nalaman nya about Gale.

"Maawa ka din kay Roian...she need to know the truth...like you 6 years din syang nagsuffer....." saad ko.

"Tell her....Hindi ko kase kaya ikwento sa kanya...." and right there tumulo yung luha nya. Kung kaya ko lang gamutin yung mismong sakit na nararamdaman ng puso nya gagawin ko kaso hindi ko kaya. 

"Ngayon pa lang ramdam ko na yung mga mawawala sakin....talagang hindi ko kayang mawala sina Yuan sakin..." yung luha nya hindi na mapatidpatid.
Tumabi ako ng upo sa kanya. Pati si Jacq naiiyak na din.

"Cy...kapag mahal natin ang isang tao kahit masakit dapat ipaalam natin sa kanila yung totoo...minsan kahit against sa gusto natin yung outcome kailangan nating tanggapin. Pero hindi naman ibig sabihin nun susuko na tayo bagkus babangon tayo marami kase yung nakapaligid sa atin na mahal na mahal tayo na nag aantay lang na magising tayo. Nandito kami para sayo kasama ang pamilya mo. Hindi ka namin iniwan at hindi ka namin iiwan...." saad ko.

Yumakap sya sakin habang umiiyak. Ito na lang ulit umiyak si Cy simula ng magbreak down sya 6years ago. This is a good thing...nailabas nya yung takot sa dibdib.

"Do everything para maging sayo yung mag ina...panghawakan mo yung mahal ka nila Yuan...kailangan mong gumaling.."
...............

Vote and comment kayo guys
Thanks for reading
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now