"Can I be good parent to Yuan?" Nag aalalang tanong ni Cy sa akin kaya napahinto kami ng lakad at humarap ako sa kanya.

Mahal na mahal ko talaga yung tao na ito. Kahit mawalan ng memorya eh kami pa din yung mahal nya.

"Yes, you are.....Yuan never trust anyone. Lalo na yung mga tao na umaaligid sa akin...pero pagdating sayo...Sabi nya sa amin ka na lang..." saad ko. Tatoo yun, lagi syang iniisip ng anak ko. Ayaw nya mag isa yung Tita Cy nya.

Pagbalik namin ng Manila. Nalaman namin na nasa Palawan si Yuri at ang loko hindi man lang nagpakita sa amin. Bukas pa daw ang balik nito.
Dumeretso kami sa condo. Pinigilan ko sya na lumipat sa kabila, basta ayaw ko sya mawaglit sa paningin ko lalo na at sa mga nasaksihan ko gabi gabi sa Palawan.
Nanunuod sya ng tv sa salas. Ako naman ay inaayos yung laundry naming dalawa. Napataas yung kilay ko ng tumayo sya at nagtungo sa kusina. Nagugutom ba sya? Tumayo ako at sinundan ko sya.

"Nagugutom ka ba? Ipagluluto kita..." sabi ko at napalingon sya sa akin at ngumiti.

"Gagawa ako ng miryenda natin...kalma ka lang."

Sumuko ako at muli kong pinagpatuloy yung ipapalaundry ko. Napapangiti ako dahil ganito kami dati nung nagsasama kami sa iisang bubong. Kamusta na kaya yung bahay namin dati. Dream house namin ni Cyrll yun. Pera naming dalawa yung pinagpagawa nun. Hindi kase ako pumayag na sya lang yung gagastos dun.

Ako naglandscape ng garden nun. At may portion yung garden na si Cy yung nag ayos. Para daw iyon sa magiging anak namin.

'Kaya mo na bang bumalik doon?'

Untag ng isip ko. Napailing ako. Siguro naman kaya ko na. At sigurado ako na magugustuhan ni Yuan doon. Pagkain namin ng miryenda ay nagpaalam si Cy na may kukunin lang sya sa condo nya. Tawang tawa sya nung sinabi ko sa kanya na paano sya makakapasok sa condo nya gawa ng password nya. Sagot nya nasa journal na lahat yung password nya.
Mayamaya ay may nagdoorbell. Pagbukas ko ng pintuan, si Yuan.

"Mommy!" Sinugod nya ko ng yakap.

"Sinong kasama mo?" Yinakap ko sya at binuhat papasok.

"Ninang Yvie...pumunta sya sa bahay ni Tita Cy..." sagot nya at binaba ko sya sa salas. At tuwang tuwa sya na kinuha yung cellphone  ng Tita nya.
Nagulat ako ng mabuksan nya iyon.

"Yuan, paano...." hindi ko matuloy tuloy yung sinasabi ko.

"Birthday ko password Mommy..." wala sa loob na saad nya at sinimulan nya maglaro.

Habang naglalaro sya ay panay kwento nya sa bakasyon na ginawa nya. At sobrang excited nya na mag di-disneyland kami.
Mayamaya ay may nagdoorbell at ng buksan ko iyon ay yumakap sa akin si Yvie at nakasunod sa kanya si Cyrll.

"Bakit ang blooming nyong dalawa? Mukhang ang 'SARAP' sa Palawan..." natatawang saad ni Yvie kaya kinurot ko sya. Pakabastos talaga!

"Tita Cyrll!!!" Hiyaw sa sobrang excited ni Yuan at patakbong yumakap kay Cy.

At nagniningning  yung mga mata nya nakatitig sa anak ko, kinarga nya ito at pinapasok ko sila.

"Let's cook dinner..." saad ni Yvie at hinila nya ko sa kusina. Samantala sina Yuan at Cy ay nasa salas.

"Napatawad mo na talaga sya..." masayang saad ni Yvie habang naghahanap ng lulutuin sa ref ko.

"Mahal ko eh..." sagot ko.

"For this time around Roian...can you be brave for her? Wag mo syang iiwan. Yung buhay nya huminto ng mawala ka.." saad ni Yvie

"Yvie...gusto kong malaman yung lahat. What happened 6years ago?" Tanong ko at humarap sya sakin. Pain was flashed to her eyes.

"Hindi ka pa ready..." pinasigla nya yung boses nya and she smirk to me. Ang sama talaga ng ugali.

"Hindi maganda yung nangyari, hindi ba?" Nasasaktan ako ngayon pa lang kase hindi maganda yung nangyare. Hindi sya makatingin sa akin.

"Let Cyrll to tell you everything....we dont have the right to tell you..." ramdam ko na gustong gusto na nyang sabihin.

"Kapag nalaman mo...tanggapin mo pa din sya..." hindi natapos yung sasabihin nya ng marinig yung hiyaw ni Yuan kaya naalarma kaming tumakbo sa salas.

My heart stop.

Walang malay si Cyrll sa sahig at iyak ng iyak ang anak ko na nakayakap kay Cy.

Cyrll's POV

"Namiss kita Tita Cyrll..." malambing na sabi sakin ni Yuan.

"Little Monkey...naalala mo yung last time...about the code?" Tanong ko.

"Yes tita...why?" Tanong nya.

"Para san yung code?" Takang tanong ko.

"Magic word yun tita...sabi mo yun ang gagamitin mo para makuha mo ulit yung crown mo sa ibang tao na kumuha sayo ng palasyo..." kwento nya kaya nagulat ako. May mga kaaway ako?

"Pwede mo bang sabihin sakin yun?" Tanong ko.

Kumuha sya ng ballpen at pinabuka nya yung palad ko at nagdrawing sya ng bilog at tumingin sa akin.

"Stop sleeping Tita Cy.....Mommy and I need you..." ng sabihin nya iyon ay parang umikot yung paningin ko habang nakatitig sa drawing ni Yuan sa palad ko at parang nagpaflashback lahat ng memorya sa isip ko. May dugong pumatak sa palad ko at sumakto ito sa drawing sa palad ko. Umikot yung paningin ko ng muling magsalita si Yuan.




"Tita Cyrll...I LOVE YOU..." tumulo yung luha ko ng lumabas ito sa bibig ni Yuan. They Love me....

At hanggang sa nawalan ako ng malay.

...............
Thanks for Reading
Vote and Comment
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now