"Agree! Ingat-ingat din bes pag may time. Matagal ka na rin naming pinapayuhan pero alam naming kasing tigas ng claws ni Wolverine yang ulo mo. It's not bad to follow your heart bes, but take your brain with you." Sabi naman ni Bea.

Nakatingin lang si Charm saamin, curiosity is written all over her face. Pero alam kong may alam na din siya sa estado namin. Wag niya lang sasabihin kay Mike na may feelings ako sakanya kundi naku! Baka magteleport ako sa Venus pag nagkataon.

.

.

JS PROMENADE KING & QUEEN CANDIDATES

"AHHH! Ang gwapo talaga ni Papa James dyan!"

"Whoah! Nice Kim! Ganda natin dyan ah. Iboboto kita!"

"MikEla! AHHHHH!"

"Oh look! Look sis! Si Nathan ko!!!!!"

"Bes may hagdan ba dito? I wanna get that tarp and cut B-Boys' faces!!!"

"Ang dami mo ng dakadikit na pictures nila sa bedroom walls mo bes eh! Akin na lang! KYAAAH!"

"Why is Anne not included there? Kulang tuloy ang Mystique Trio!"

"Oo nga! Recount!"

Yup, andito ako ngayon nakatingin sa napakalaking tarpaulin sa harap ng building namin. Actually sa gate namin meron din pero napatulala na lang ako dito.

Eto na nga ba ang ayaw ko eh.

At bakit ang bilis naman ata?! Kanina lang kaming umaga bago maglunch nag pictorial tapos andito na agad ang mga mukha namin nakakalat sa buong campus?! Eh 1:30 pa lang ah. Shems naman! Hays. Sabagay malapit na rin ang Prom..but still! Huhu!

Sure akong laking tuwa ni bes Bea pagnakita 'to. Pero mas malala ang naiisip kong reaksyon ni Stella. Siguradong magseselfie pa yun kasama ng mga alipores niya at magsspeech sa mga tao sa paligid niya at mag-aaya ng iboto siya.

Famewhore. -___-

Pero ang ikinagulat ko ay ang pagiging cold at wala sa sarili ni Stella ngayon. May dalaw kaya yun ngayon? Pero dapat nga nagsusungit siya kung ganun. What happened to her? At pano ko nasabi?

**flashback

Trigo class namin ngayon, first subject of the day at may graded recitation. Syempre handa kami. Sayang din ng points for recitation kung di kami makasagot. Girl scout ata to!

"Ms. Reid, what's cosine alpha of this figure?" Tanong ng prof namin at iflinash yung figure sa screen. Mukhang complicated sa dami ng triangles. My gulay! Mabuti na lang at di ako natawag.

Agad naman nagsolve si Anne gamit lang ang scientific calculator niya. At in less than 10 seconds nasagot niya agad.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Where stories live. Discover now