CHAPTER 25

23.7K 615 8
                                    

CHAPTER 25:
Pagtataka

Maaga akong nagising na may ngiti sa mga labi. What a very beautiful day it is today! Masyado akong inspired dahil sa nangyari kagabi. Ayiieeee!!! I still can't believe it!

Nakangiti ako hanggang sa makarating ako sa school. Siguradong sasakit ang panga ko nito mamaya. Pero masaya ako eh kaya hayaan na lang!

"Bes? Anyare? What's with the smile?" Tanong ni Anne ng nakita ako sa classroom.

Lalo ring lumapit saakin si Bea at nagtaas ng kilay. Wala pa si Charm kaya ginugulo ako nitong dalawa.

"Nagprapractice ka ba sa beauty pageant bes? O sa Valentines Fair? Nakaplaster na yang ngiti mo sa mukha mo eh. Di ka ba nangangawit?"

Nagkibit-balikat lang ako at kinuha ang notebook ko.

"Hoy bes! Mamaya baka pagkamalan kang baliw dyan! Ano bang nangyari at ang saya mo dyan?" Tinatapik tapik ni Anne yung ballpen niya sa baba niya na para bang nag-iisip.

Binuklat ko ang notebook ko at nagketch sa back page. Masyado talaga kasi akong inspired kaya napasketch akong kumakanta kami ni Mike sa stage tapos may mga puso pa. Hihi!

Nacurious yung dalawa kaya tiningnan ang iniisketch ko. Para naman akong timang na nakangiti habang ngssketch. Oh well, wala akong pake.

Tama! Mamaya na ang last stage ng screening para sa play! Sigurado akong I'll do well lalo na't andun din si Mike! Wish ko lang di na ako matameme noh. Pero feel kong kumanta ng kumanta dahil sa kilig! Oh em gee!

Nagtinginan ang dalawa at tumango. Di ko sila napansin kasi busy pa rin ako sa pagssketch ko. Hay Mike.

"Kaya naman pala. I bet may nangyaring maganda kaya wagas ang ngiti ng isa dyan." Sabi ni Anne.

"Oo nga eh. Kulang na lang na magkapuso 'yang mga mata niya sa sobrang inspired. Sana nga lang magtuloy-tuloy na yang ngiti na yan." Humalukipkip si Bea.

I know na worried lang naman sila kasi si Mike yung tinutukoy nila eh. Di naman na yun maiiwasan since ilang beses na din akong nasaktan at masasaktan pa dahil sakanya.

Kinulit nila ako kung anong nangyari at bakit ako ganito ng biglang dumating na si Charm.

"Dali na bes! Tell us everything." Sabi ni Bea bago bumalik sa upuan niya dahil nakaupo siya sa upuan ni Charm kanina. Hay di na ako nasanay kina bes.

At dahil nga kilala ko na sila, sinabi ko na ang lahat ng walang mintis! Aba mahirap na ding magpigil ng kilig noh! Fresh na fresh pa kasi sa utak ko yung mga nangyari kagabi eh. Sinabihan niya pa akong, "Good night Kim. Sweet dreams." AAHHHH! Sino namang di kikiligin doon?!

"Hm, di ko alam kung anong nasa isip nung si Mike pero mag-ingat ka pa rin bes ha? You never know what his intentions really are. Mahirap ng bumagsak ka ulit at yun nga lang, mas masasaktan ka lang ngayon. Ngayon pang mas mahal mo na yung tao." Sabi ni Anne.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz