•^•Chapter 1•^•

1.2K 24 0
                                    

Cosmic's

It took us 5 hours to reach our destination. And here we are to our new home!. Excited kaming bumaba nila ate at kuya sa kotse at masusing pinagmasdan ang bagong bahay na titirhan namin. It looks old but beautiful.  

"Andito na tayo" sabi ni papa

Hindi pa kami humihinto ay nagkukulitan na kaming magkapatid sa pagbukas ng pinto ng kotse. Sumilong muna kami sa gilid dahil ani ni papa ay hindi pa kami makakapasok sa loob dahil may inaantay pang paparating na sasakyan na dala ang aming mga bagahe.

After few minutes dumating na rin ung truck na dala-dala ang aming mga gamit. At dumating na rin ung dating may ari para ibigay kay papa ang susi ng bahay.

"Good morning Mr Faustino, thank you po sa pag purchase ng bahay na ito and do not worry for the renovation we had already renovate that house a year ago so enjoy your new life in this house." bati ni Ginang Munzon kay papa siya yata yung may ari ng bahay.
Medyo matanda na rin at may edad.

Pagkatapos ng ilang minutong usapan lumapit na si papa sa amin at hawak hawak na ang susi ng bahay. Napatalon ako sa excitement.

"Omg! Ito na yun!"

 dahan dahan na inikot ni papa ang susi sa susi-an. And tada! Pagpasok namin sa bahay nanlaki ang aming mga mata sa sobrang modernized nito at sa laki ng espasyo.

"Infairness, mas maganda kaysa sa luma nating bahay" bati ni ate

 habang nagiikot sa loob ng isang kwarto sa 1st floor.

Si mama, papa at si kuya naman ay nasa labas inaasikaso ung mga gamit namin sa truck. At lumabas na rin si ate nang tinawag siya ni mama.

Ako naman ay umakyat sa pangalawang floor, nagulat ako dahil ang laki ng espasyo rito at mayroon itong apat na kwarto na sakto sa aming pamilya. Pero may isang kwarto na pumukay sa ang aking atensyon dahil sa dingding nito ay may nakasulat na numero at ang aking pangalan. 

"Rory? mukhang kapangalan ko ito ah"

Tumuloy ako sa kwartong iyon at tinignan kung tama ba ang aking nabasa nang ako ay makalapit sa pader na iyon ay tama ang bawat letra at numero ng aking nabasa mula sa malayong pwesto.

"oh rory anong ginagawa mo diyan?" tanong ni papa habang papalapit kung nasaan ako naka pwesto

"pa, tignan mo ung nakasulat dito may cp number at nakasulat din ung kumpletong pangalan ko?" tanong ko kay papa habang itinuturo sa kaniya ang aking nakita sa pader.

"aba oo nga no, baka kapangalan mo lang iyan anak." sagot ni papa habang pinagmamasdan ang aking nakasulat na pangalan sa pader.

Maya't maya nabosesan kona si kuya na papaakyat.


"mamaya na natin pagusapan iyan at bumaba ka muna rory tulungan mo sina mama sa pagaayos ng gamit" dagdag ni kuya nang ito ay papunta na din sa kwarto kung nasaan kaming mag-ama.

"pero kuya look oh may name ako sa wall hindi kaba kinikilabutan?" tumawa lang si kuya at ginulo lamang ang bangs ko "dami mo namang alam sige na bumaba kana at marami pang dapat tapusin mamaya na iyan" sagot nito habang hinihila ako papuntang hagdanan.

Lumingon muli ako sa kwarto bago ako bumaba.

"mhmm."

Binuhat ko ang dala-dala naming mga damit na nakalagay sa mga kahon at inilagay ko muna iyon sa gilid at pagkatapos naman ay binuhat ko rin papasok ang maliit na lamesa kung saan dito pinapatong ung mga mga pictures na naka display sa sala.

Pagkatapos ng ilang oras na pagsasaayos ng mga gamit nagpahinga muna kami at maya't maya si mama ay lumabas kasama si papa para bumili ng pagkain para sa mamayang gabihan. Si kuya naman lumabas din para bumili ng meryenda dahil 5pm na at gutom na gutom na kami.

Umakyat muna ako at pumunta sa kwarto kung saan ko nakita ang cp number at ng aking buong pangalan. Kinapa ko ang bulsa ko kung nandoon ang aking cellphone at idinial ang numerong iyon at tinry itong tawagan

"the number is either unattented or out of coverage area please try your call later~"

"ang tanga ko bakit ko nga pala tatawagan iyan kung halos 10 years! na itong bahay na walang naninirahan" napaisip ako dahil matagal na sigurong nakasulat ang mga iyon at posible talaga na hindi na talaga gagana. Pero bakit andoon ang aking pangalan?

Naalala ko kanina habang naguusap sina papa at nung may ari nitong bahay, narinig ko na halos 10 years na pala itong inabandona at hindi man lang natirhan ng tao. At tsaka may bahay na din kasi sa ibang bansa ang may ari ng bahay na ito kaya napabayaan na pero pinarenovate nila ito para may magkagustong kunin ang bahay na ito and that was us.

Dahil sa aking curiousity. Sinave ko parin ang number na iyon sa aking phonebook at nang marining ko ang yapak ni ate agad kong ibinulsa kaagad ang aking cellphone. Baka kasi makita niya na sinasave ko ung number na nakita ko lang sa dingding.

"Wow ang ganda naman ng kwartong ito" ngisi ni habang tinitignan ang loob ng kwarto kung nasaan ako. "ate akin na tong kwarto ha! Tsaka 4 naman ang kwarto dito" natawa si ate sa sinabi ko "sus advance naman ngbkapatid ko mag-isip wala naman akong sinasabi eh haha, tara kain na tayo andyan na si kuya" at bumaba na kaming dalawa .

**

"Beep! beep!"

Bigla akong nagising ng wala sa oras dahil sa malakas na tunog ng alarm ko. "Tang*na! hindi ko naiba yung oras" 3:00 am kasi ang na set kong oras na dapat ay 6:30am.

Pero imbes dismiss ang ipindot ko na pindot ko ung mga call history ko at saktong ung number na tinawagan ko kanina ang natawagan ko dahil nga sa sobrang antok ko hindi ko naisip na i end ung call. Maya't maya may boses akong narinig mula sa aking smartphone.

"uhm hello..?"

" sino po sila..?"

Bigla kong kinuha ang phone ko at dahil sa gusto kona matulog ulit inend kona ang tawag. "Bwiset naman oh sarap sarap ng tulog ko may nanggugulo".

"ha..?"

Pagkatapos ko patayin ang call na iyon bumalik na ako sa aking pagkakatulog at kinalimutan kung ano ang nangyari kanina.

***

Please do leave comments and likes! I will highly appreciated if you do! :)

I Found you. You Found Me [On Going.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon