Chapter 2: Hand

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ate! Isama mo ako sa mga pangarap mo!"

Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko ang istorbo sa mga sentimyento ko sa buhay at nakita ko si Chalamity na kasalukuyang lukot na rin ang mukha sa pagkayamot. Nagdadabog na hinablot niya ang nilagay niya na check presenters sa counter na may naka-clip na pera na.

"Ewan ko sa inyong mga na-injured ni kupido! Ang sasakit niyo sa ulo!" impit na tili niya habang naglalakad palayo.

"Hoy akin na 'yang bayad!" tawag ko sa kaniya.

Imbis na sumagot ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at lumapit sa isa mga lamesa. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang ginagawa niya dahil kaagad naagaw ang atensyon ko ng mga bagong pasok sa Craige's.

Nagtama ang mga mata namin ni Thunder na kasunod ang drummer ng banda na si Harmony. Bahagya siyang tumango sa akin at nag-iwas ng tingin nang hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

Katulad ng nangyayari kapag nakikita ko siya ay pakiramdam ko ay nawawala lahat ng buto sa katawan ko dahilan para manlambot ako. Lumaki ako sa BHO CAMP at bata pa lang ako ay nakakasama ko na siya pero talaga sigurong nag-iiba ang lahat kapag hindi lang ang mga mata mo ang nakabukas kundi maging ang puso mo.

Sa totoo lang hindi ko naman siya gusto dati. Sa pagkakatanda ko ang ultimate crush ko noon ay si Blaze eh. Minsan ko na nga siyang naka-date sa isang gathering dahil sapilitan ko siyang pinasama sa akin sa tulong na rin ng kapatid ko na kaibigan niya. Blaze was cool with it and we had fun. Pero kahit crush na crush ko siya, hindi niya nagawang gisingin ang puso katulad ng nagawa ni Thunder.

I don't know exactly when. Hindi ko alam kung paano. Basta isang araw natagpuan ko na lang ang sarili ko na tuluyan ng nahulog sa kaniya.

"Kukunin ko na ang order for table 7."

Inalis ko ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kinaroroonan nila Thunder at nilingon ko si Enyo na siyang nagsalita. Akmang maglalakad na siya palayo pero kaagad ko siyang pinigilan sa braso at pagkatapos ay hinablot ko ang hawak niya na clipboard.

Nagtatakang nilingon niya ako. "Bakit?"

"Ako na-"

Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang mula sa kung saan ay may humila sa buhok ko dahilan para bahagya akong mapaatras. Napapasinghap na nilingon ko ang gumawa no'n at naningkit ang mga mata ko nang malingunan ko ang kapatid ko.

"Kuya!"

"Lunch na. Kumain ka na sa loob." nakahalukipkip na sabi niya.

"Mamaya na. Nagtatrabaho pa ako eh."

Kinuha sa akin ng kapatid ko ang hawak ko na clipboard at binigay iyon kay Enyo. "Kaya na 'yan ni Enyo. Duty niya na ngayon kaya pwede ka ng mag break."

"Ayoko nga-"

Muling naputol lang ang sasabihin ko dahil sapilitan na niya akong itinayo at hinila papasok ng kusina. Kahit naman hindi ako kasing liit ng ibang mga Pilipinang babae ay hindi ibig sabihin kaya ko ng labanan ang kapatid ko na higante. Dahi kumpara sa mga lalake sa BHO CAMP na mukhang lumaklak ng growth potion ay nagmumukha talaga akong maliit kapag natatabi sa kanila. Pero kung sa mga babae naman ay average lang ang height ko. Hindi kasing liit ni Athena at hindi naman kasing tangkad nila Enyo at ng kakambal niya.

"Kuya!" angal ko.

Imbis na bitawan ako ay siya na mismo ang nag-upo sa akin sa isang corner ng kusina na nahahati sa pader na partition kung saan may mga upuan. May nakahanda na ro'n na mga pagkain na niluluto talaga nila para sa mga naka duty sa Craige's.

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon