Chapter 1

15 7 0
                                    


Chapter 1

.

"Gabriella hindi ka ba papasok?" reklamong tanong ng pinsan ko sa akin. 

"Papasok ako, sandali lang. Nagbibihis pa kaya ako." Pasigaw na sagot ko sa kaniya.

tss, aga aga pa naman.

 Pinag sama kami nila papa sa iisang condo. Mas mabuti na din iyon para may kasama ako. Para hindi kami na le-late sa pagpasok. Nang matapos ako sa pag bibihis ay lumabas na agad ako doon sa kwarto ko. Dalawang room ang mayroon doon kaya naman ay may privacy pa din kami sa isa't isa.

"Ang bagal mo naman!" Sabi niya sa akin ng makalabas ako.

"Wow ha? Ito na nga oh. Nandito na sa harap mo. Akala mo naman late na baka hindi mo alam ay may higit kahating oras pa ano bago mag start class natin?" Sabi ko sa kaniya at umirap.

"Kahit na ano! Maagang napasok ang crush ko. Para naman makita ko siya at ma-turn on sa akin." Sabi niya. 

"Whatever." Sabi ko at umirap sa kaniya.

Puro pag crush ang alam niya, akala naman ay hindi madami ang gawain niyang plates ngayon.

"Ikaw naman ang mag drive ngayon. Ako na ang nag drive kahapon." Sabi ko sa kaniya at inabot ang susi ng sasakyan.

Umirap na lang siya sa akin. At tyaka kami nag elevator pababa. Nasa 4th floor kami at ayaw naman mapawisan kaya hindi kami nag stairs. Nagc-cellphone lang ako at may nag notif doon. Kaya naman ay binasa ko.

"Ava sunduin daw natin sila Mia." Sabi ko sa kaniya ng mabasa ko sng text ni Mia.

"Aba! Sinusuwerte naman yata siya. Baka hindi niya alam na sa La Salle siya nag aaral ano? At tayo ay sa Ateneo. Sabihin mo sa kaniya ayokong mag palayo! Sayang gas. At kalahating oras din ang byahe papunta doon ha!" Reklamo niya.

Nag text na naman si Mia kaya binasa ko muna iyon bago sabihin kay Ava.

"Gusto din daw magpa sundo ni Cali." Nag iba na naman ang itsura ng mukha niya. Kaya naman ay medyo natawa ako, halatang naiinis siya.

"Sabihin mo sa kanila, hindi tayo school bus. QC tayo tapos pupunta pang Sampaloc Manila at Malate?  May mga sasakyan sila tapos hindi gagamitin? Balak ba nilang ipakalawang na lang ang sasakyan nila?" sunod suno na reklamo na naman niya.

She have a point naman, dahil malayo naman talaga. Baka matraffic pa at ma-late pa kami dahil doon. Mataray pa naman ang prof namin.

Vinoice message ko na lang sila dahil tinatapad ako mag type. Nakisingit pa si Ava kaya hinayaan ko na lang siya at iyon ang sinend ko sa kanila. Nang makarating kami sa Ateneo ay naghiwalay na kami ni Ava dahil magkaiba kami ng building.

Nang matapos ang schedule ko buong araw ay hintay ko na lang si Ava sa may parking lot. Nang mainip ako ay lumabas muna ako para bumili ng pag kain. Bumili ako ng dalawang malaking chuckie, at tyaka tinapay. Bumalik na ako sa may school, at naghihintay na pala doon si Ava.

"Penge ako!" Sabi niya ng makita agad ako na may hawak na pag kain.

"Ayoko nga! May pera ka diba?" Sabi ko sa kaniya habang papalapit pa din. Sumakay na kami sa sasakyan at siya pa di ang mag da-drive ngayon.

"Dali na pahingi ako!" pamimilit pa din niya sa akin. Kaya naman ay binigyan ko siya ng pagkain na mayroon ako. Bumalik ako sa pagc-cellphone ko. At nag tetext na naman sila Mia at Cali.

"Walwal daw." Sabi ko kay Ava.

"Kailan daw? Ngayon na ba?" Excited niyang sabi at napatinngin sa akin. Tumingin ulit siya may unahan. Dahil baka mabangga kami.

It was a Dare (Bar Series #1)Where stories live. Discover now