Chapter 6: Training

19 0 0
                                    

Third Person's POV

Hindi pa man gaanong sumisikat ang araw ay nagsigising na sina Sean para sa kanilang warm-ups. Maging sa Ace ay maagang nagising na siyang ikinagulat nilang lahat.

Lahat sila ay abala sa paghahanda. Kanya-kanyang ligo sa banyo habang ang ibang tapos na ay naghahanda ng gamit para sa klase.

Pagkatapos maligo at magbihis ay sabay-sabay silang lumabas sa dorm unit nila at pumunta sa field at magwarm-up sa pagtakbo dahil ayon kay Axcel mahalaga daw resistensya.

Hindi pa gising ang karamihan sa mga estudyante kaya wala pa masyadong tao dito.

"Tumakbo kayo ng 50 laps palibot sa area na 'to." sabi ni Axcel.

Nagsimula na silang tumakbo paikot sa field na napakalawak. Binilisan nila ang kanilang takbo dahil gusto nilang matapos agad ito. At kapag medyo napapagod ay binabagalan nila. Pero sa tuwing mahuhuli sila ni Axcel na binabagalan ang takbo, sisigaw ito sa kanila.

"Bilisan niyo! Kung ganyan kayo kabagal tumakbo ay kanina pa kayo naabutan ng mga kalaban ninyo!" 'yan ang palagi niyang sinasabi sa kanila.

Habang sina Alexa at Vince naman ay naka-upo lang sa damuhan at nanonood lang sa kanila.

"Al, bilisan mo!" singhal ni Axcel.

"Grabe naman ang isang 'to, daig pa si Sean kung magpa-training." reklamo ni Al.

"Oo nga. Akala ko light lang kasi warm-up pa lang. Expect the unexpected pala." sabi pa ni Ashton.

Napansin naman ni Axcel ang pag-uusap ng dalawa. Hindi man niya rinig ang mga salitang binibigkas nila ay alam niyang magre-reklamo ang mga ito dahil sa itsura.

"Yan lang ba ang kaya niyo ha, Al at Ashton. Akala ko pa naman malalakas kayo." pang-aasar niya na siyang ikinainis ng dalawa. Dahil dito ay binilisan pa nila ang pagtakbo.

Pagkatapos ng isa't-kalahating oras ay natapos din  nila ang 50 laps na takbo. Bumalik sila sa gitna ng field kung saan naka-puwesto sina Alexa.

"Grabe ka Axcel! Hindi ka man lang ba naaawa sa amin?" tanong ni Caine na mahaba ang ngusu at naka-upo sa damuhan dahil sa pagod.

Naka-ngising sinagot ni Axcel ang reklamo niya. "Walang lugar ang awa dito Caine. Lalo na sa Hide and Seek. Dahil sa oras na awa ang paiiralin mo, ikaw ang magiging kawawa sa kamay ng kalaban mo."

"Akala ko ba mga gangsters kayo sa labas. Bakit parang hindi kayo sanay sa ganitong kalakaran?" tanong pa ni Vince.

"May batas kaming sinusunod sa labas. Hindi ka basta-basta puwedeng pumatay ng kahit sino." sagot ni Kurt.

"At isa pa, hindi naman ganito kalawak ang tinatakbuhan namin ng 50 laps. Kung tutuusin lagpas kalahati lang ang tinatalbuhan namin do'n." dugtong pa ni Ace na ngayon lang rin nakapag-salita dahil sa pagod na nadarama.

"Kung gan'on maghanda kayo dahil dito isa lang ang batas. Kahit nasaan ka, pwede kang pumatay. At mas lalong puwede kang mamatay." seryosong saad ni Alexa na syang ikinatahimik nilang lahat.

Maya-maya ay may dumapong paru-paro sa harapan ni Alexa. Isang itim na paru-paro na bihira lang nilang makita. Nagkatinginan sila ni Vince, Axcel, at Alexa. Dali-dali silang tumayo na ikinagulat nilang pito.

"Bumalik na kayo sa dorm at maghanda na para sa klase. Babalik ako mamaya." mabilis na sabi ni Alexa na siyang ikinabahala nilang lahat. Para bang hinahabol ito at napakabilis tumakbo.

Sa pagkakataong iyon ay iisa lamang ang nasa isip nila. 'Anong nangyari 'dun. Bakit parang nagmamadali siya?'

"Tara, bumalik na tayo 'dun. Para makapaghanda na tayo." sabi ni Axcel.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 15, 2019 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Elite Academy: The Masked QueenOnde histórias criam vida. Descubra agora