Chapter 2: Welcome to Elite Academy

8 0 0
                                    

*Kinabukasan*

Tinatamad na bumangon si Sean mula sa pagkakahiga. Kusa siyang nagigising tuwing ganitong oras maliban nalang kung talagang pagod siya. Isa pa kailangan niyang kausapin ang mga miyembro niya tungkol sa mapa na naiwan ng nakabangga niya.

"Magandang umaga Sean!" as usual si Caine nanqman na maingay ang unang bumati sa kanya habang ang ibang miyembro ay nasa kani-kaniyang mga kwarto pa. Si Kurt naman ay naghahanda na ng almusal.

Di nagtagal ay bumaba na din ang iba pa nilang kasama. Ilang sandali ang nagdaan at tinawag na sila ni Kurt.

"Kainan na!" tawag ni Kurt sa kanila. Nagsipag unahan naman silang lahat na maupo sa lamesa dahil sa nakakatakam na pagkaing inihanda ni Kurt.

As usual maingay na naman dahil sa magkapatid na Caine at Clyde idagdag mo pa na sinakyan ni Ashton ang trip nila. Nagmukha tuloy na palengke ang hapag nila dahil sa ingay ng tatlo.

Pagkatapos kumain ay napag-utusan si Ace na maghugas ng pinggan. Kaya ayun mahaba na naman ang ngusu. Mas mahaba pa sa pila sa MRT.

Pagkatapos maghugas ni Ace ay napagpasyahan nilang lahat na kumain na naman sa sofa. Diba! Kakatapos lang nila kumain ng agahan, kakain na naman sila. Doon na naalala ni Sean ang tungkol sa mapa.

Bigla siyang tumayo kaya napatingin ang mga ka-myembro niya sa kanya.

Sean's POV
.
"Yung babaeng nakabangga ko kahapon. May naiwan siyang mapa. Hindi ko alam kung sinadya niya iyong iwan pero gusto kong pag-aralan niyo." sabi ko sa kanila.

"Pwede ba naming makita boss?" tanong ni Al.

"Sandali kukunin ko lang." sabi ko at umakyat sa taas para kunin ang mapa.

Pagbalik ko ay parang kagagaling lang nila sa isang malalim na pag-uusap. Ang mga itsura nila ay parang pinagsukluban ng langit at lupa. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil mas gusto kong mauna ang bagay na ito.

Binigay ko kay Al ang mapa at tinignan niya ito. Pagkatapos niyang tingnan ay nagkatinginan silang lahat.

"Ang mapang ito ay papunta sa.............. Elite Academy." sabi niya.

Pansamantalang naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Nagsalita naman si Caine.

"May lugar bang ganoon ang pangalan? Ngayon ko lang narinig 'yan ah!" tanong niya. Maging ako ay nagtataka sa kakaibang pangalan ng lugar o paaralan na iyon.

"Hindi ako sigurado diyan. Pero kailangan nating masigurado." sabi ko. Siguro nagtaka sila.

"Anong ibig mo sabihin Sean? Na pupuntahan natin to?" tanong ni Ace.

"Oo, pupuntahan natin to." sabi ko sa kanya.

"Nahihibang ka na ba! Pano kung isa lang iyang patibong. Paano kung mapahamak tayo dahil diyan. Alam mo ba ang sinasabi mo?!" singhal niya sa akin. Eto na naman tayo eh! Kontra na naman siya sa'ken.

"Oo alam ko. Kaya nga natin pupuntahan para makasigurado tayo." sagot ko sa kanya.

Tahimik naman ang ibang nakikinig sa aming dalawa. Nasanay na sila samin. Palaging nagsisinghalan. Palaging nagsasagutan.

"Hindi ko kaya pipilitin. Kung ayaw niyo, mag-isa akong aalis. Kayo mag-desisyon." sabi ko sa kanila at tumalikod.

Pumunta ako sa kuwarto at nag-impake para sa pag-alis ko mamaya. Nagdala ako ng damit,  tubig, pagkain, emergency kit, flashlight, at iba pa. Pagkalabas ko ay agad akong dumiretso sa garahe. Inihanda ko na ang sasakyan.

Nagulat ako ng lumabas silang lahat sa bahay na hinihingal at nagmamadali.

"Bilisan niyo. Aalis na siya oh!" sabi ni Kurt.

Elite Academy: The Masked QueenWhere stories live. Discover now