Chapter 4: Meet the Queen

5 0 0
                                    

Chapter4: Meet the Queen

Naglakad ang babaeng nakamaskara papalapit sa kanila na may nakakakilabot na ngiti.

"Maligayang pagdating sa Elite Academy." saad nito at naglakad papalayo.

Lahat ng mata ay nakatuon sa babaeng naglalakad palabas. Ang atensiyon ng bawat estudyante kabilang ang mga gurong kamakain ay nasa kanya. Walang kumukurap ni isa, nagmamasid sa bawat galaw nito.

Nagising ang lahat sa pagkadarang ng ipinitik nito ang mga daliri.

Laking gulat ng lahat ng may lumipad na pitong kutsilyo papunta sa direksiyon nila ni Sean. Sa sobrang talim nito ay kahit hawakan mo ang blade nito ay maaari ka nang masugatan.

Sa kabila ng pagkagulat ay nakuhang umiwas ng grupo nila Sean kaya ang mga patalim ay tumama sa mga estudyante sa likod at sa pader. Tatlong kutsilyo ang tumama sa mga estudyante at apat ang tumama sa pader.

Tiningnan nito ang mga estudyanteng nasugatan at nagsalita.

"Dalhin sila sa ospital." pagkatapos niyang magsalita ay may nagsidatingang mga taong naka-itim at nagdala sa mga sugatang estudyante.

"Magaling kayong pito. Pero hindi sapat ang galing niyo para manatili dito. Maghanda kayo. Sasali kayo sa Hide and Seek. Mukhang matagal naman yang mga kasama niyo dito. Sila ng bahalang magsabi sa inyo." sabi niya at tuluyan ng lumabas sa Canteen.

Ang canteen ay napuno ng bulong-bulongan ng mga estudyante. Ang karamihan ay nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Nakahinga sila ng maluwag ng makitang wala na ang kanilang kinatatakutan.

Sila naman ni Sean ay tulala parin. Di dahil sa takot kundi dahil sa pagtataka. Nagtataka sila kung bakit ganoon ang takot ng lahat sa kaniya. Para bang kakainin sila nito ng buhay.

Maging sina Alexa ay ramdam nilang takot sa kanya. Kahit ang mga guro ay tulala lang sa babae.

Si Sean naman ay parang may naramdamang kakaiba sa babae. Isang pamilyar na pakiramdam na hindi niya mapagtanto kung ano.

Nanatili silang nakatayo hanggang sila ay hinatak ng tatlo pa-upo.

"May alam ba kayo sa pakikipaglaban?" tanong ni Vince sa kanila na parang kinakabahan at nag-aalala.

"Oo. Sa katunayan mga gangsters kami sa labas." proud na sabi ni Al na iinom na sana ng juice pero sa kasamaang palad ay nabitawan niya ang baso kaya nabasa siya.

Pinagtawanan naman siya ng mga kasama niya maging ng mga nakakitang estudyante sa pakigid nila.

"Nasabi ba naming bawat galaw niya eh, may nasisira at malas siya?" natatawang sabi ni Ashton sa mga kasama nila.

"Hindi pa." sabi ni Axcel na natatawa na din. "Pero ngayon alam na namin." pahabol pa niya na ikinatawa ng lahat.

"Tama na nga iyan." sabi ni Alexa na inakala ni Al ay kakampi niya.

"Mabuti pa si Alexa, mabait sa akin. Di tulad niyong lahat mga masasamang nilalang." sabi pa ni Al na nag-dadrama.

"Mamaya niyo na siya inisin. Kumain muna tayo." sabi pa ni Alexa na ikinatawa nila at ikinasimangot ni Al.

Sinimulan na nilang kumain at sa kabaitan naman ng Diyos, natapos sila ng walang nasisira si Al.
Habang kumakain ay napag-usapan na din nila ang tungkol sa Hide and Seek at napagkasunduan nila na kada-pagkatapos ng klase ay magsasanay na sila.

Iniwan na nila ang kanilang lamesa at pinagkainan samantala si Kurt ay inayos tupperware na pinaglagyan ng pagkain.

Someone's POV

Elite Academy: The Masked QueenWhere stories live. Discover now