Chapter 1: The Map

13 1 0
                                    

Sean's POV
"Seaaannnnn!"

Bwisit naman yang Caine na yan. Ang ingay-ingay. Nakalunok ata ng sampung mikropono sa ingay.

"Ano kaba!! Ang ingay mo. Ano akala mo sakin ha! Bingi?!" galit na sabi ko.

"Hehe. Sorry boss. Pinapasabi lang ni Clyde na naghahamon ng away ang kabilang gang. Kawawa naman kung tatanggihan natin diba? Masakit kaya ma-reject." sabi niya na nage-emote-emote pa.

Ewan ko nalang sayo Caine kahit kailan talaga hindi ka pa rin marunong magseryoso. At oo tama nag nabasa niyo. May gang kami at kami ang pinakakinatatakutan dito. Nakakatawa lang dahil may naghahamon parin ng away samin kahit alam nilang matatalo sila. 

Kami ang Rising Devils at ang kalaban namin na tinutukoy ni Caine ay ang Black Demons. Ang gang namin ay binubuo ng pitong miyembro. Ako bilang lider nila at tinatawag nila akong Boss o Death kapag may kalaban. Ang kausap ko naman ay si Caine. Siya ang alien ng grupo. Ewan ko ba bakit ko naging kaibigan iyan. Ang kapatid niya naman ay si Clyde. Isa pang maingay yan pero mas maingay talaga si Caine. Mukha lang iyong kabayo pero habulin iyon ng mga babae. At kapag pinagsama niyo silang dalawa, maghanda kayo dahil paniguradong sira ang mga taenga niyo. Ang isa naman ay si Ashton. Huwag kang magkakamaling banggain yan dahil kahit pandak yan malupit yan sa suntukan. Ang pinakamatalino naman sa grupo ay si Al. Magaling yan mag-English. Siya ang katulong ko tuwing magpaplano para sa laban. Yun nga lang saksakan ng kamalasan. Ewan ko ba diyan, bawat galaw may nasisira. Ang nanay naman ng gang ay si Kurt. Makakalimutan mo pangalan mo kapag natikman mo luto niya. Kaya kapag kakain ka ng pagkain mula sa kanya, magsuot ka ng nametag. At siyempre makakalimutan ko ba naman ang kuya ko. Si Ace. Hindi ko alam kung paano ko siya naging kuya dahil obvious naman na ang layo ng ugali niya sa ugali ko. Siya, laging tulog. Ako, laging gising. Siya, pandak. Ako, matangkad.

"Hello Seann! Yuhhoo! Hala! Nababaliw na ata to." Aba't. Tinignan ko ng masama ayun umiwas ng tingin at napakamot sa batok.

"Sige sabihin mo pang baliw ako. Babalian kita." banta ko sa kanya.

"Ikaw naman. Joke lang. So ano? Tatanggapin ba natin yung offer nila?" maka-offer naman to. Akala mo kung ano talagang offer ang sinasabi eh, pakikipaglaban lang naman.

"Oo naman. Minsan na lang may maghamon ng away sa atin kaya lubus-lubusin na natin. Kailangan nilang maturuan ng leksyon. At isa pa nangangati ang kamay ko ngayon. " sabi ko ng may ngisi.

"Subukan mong maghugas ng kamay boss. Baka kasi sobra na ang dumi diyan sa  kamay mo kaya nangangati." sabi niya at tumawa pa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw ko sa lahat ay iyong pini-pilosopo ako Caine. Alam niyo 'yan." seryoso kong sabi sa kanya.

"Eto naman si Boss. Joke lang eh." sabi niya.

"Tawagin mo lahat ng miyembro. May kailangan tayong pag-usapan."

"Yes boss." sabi niya na may kasama pang salute. May paganyan-ganyan pang nalalaman.

Maya-maya pa dumating na ang mga ka-gang ko. Kasama ang kuya kong naka-simangot. Panigurado naistorbo na naman ang tulog niyan.

"Bakit mo naman kami pinatawag? Ha! Alam mo bang natutulog ako." nagngingitngit ang baba na sabi ni Ace.

"Una sa lahat, pinatawag ko kayo dahil may gustong kumalaban satin. Pangalawa hindi tayo magkasama kaya malamang hindi ko alam na natutulog ka pala. Pangatlo, wala akong kasalanan dahil hindi ko kayo pinilit lahat na pumunta dito. At pangapat, ako ang lider kaya dapat lang na sundin niyo ako." ganti ko naman sa kanya. Ayun tumahimik. Mabuti nga, minsan na nga lang magsalita, puro reklamo pa ang lumalabas sa bibig. Nakapag-isip siguro ng igaganti ayun nagsalita na naman.

Elite Academy: The Masked QueenWhere stories live. Discover now