Chapter 5: Mysterious People

5 0 0
                                    

Acxel's POV
*Kinabukasan*

Maagang nagising ang lahat pwera na lang sa isang matandang duwende na hanggang ngayon ay nakahilata parin sa napakalambot niyang kama. Anong oras na ngayon? Alas-sais na ng umaga. Nagising kami ala-singko pa! Pero ang iba dyan, isang oras na lang bago magsimula ang klase nakahiga parin.

"Ash, gisingin mo na nga si Ace!" sigaw ni Sean kay Ashton.

"Oo nga. Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Akala mo naman kung anong ginawa niya at mukhang pagod na pagod siya." nakasimangot na sabi ni Caine habang inaayos ang necktie niya.

"Oo na, oo na. Tumahimik na kayo." sabi niya at pinuntahan ang kwarto ni Ace.

"Siya nga pala. Anong una niyong klase?" tanong ni Alexa sa kanila.

"Calculus." sabi nina Sean, Caine, Ashton, at Clyde.

"Kasama niyo si Alexa. Siya na bahala sa inyo." sabi ko.

"Kayong tatlo, anong sa inyo?" tanong ni Vince.

"History." sagot nina Al, Kurt at ni Ace na kakatapos lang maligo.

"O, edi kasama niyo kami. Tapos mamaya mag-break magkita-kita tayo sa canteen at doon na lang tayo kumain." sabi ni Vince.

"Doon naman talaga tayo kumakain Vince." pangbabasag ni Alexa kay Vince kaya naman natawa kami.

"Mamayang hapon nalang tayo maglibot. Kami na bahala sa inyo ngayong umaga." sabi  ko sa kanila.

"O siya, tapos na kayo? Ikaw Ace, kumain ka na?" tanong ni Alexa sa aming lahat.

Tumango naman kaming lahat kaya lumabas na kami sa unit namin at nagsimulang maglakad papunta sa kani-kaniya naming classroom.

Mayroon pa naman kaming 30 minutes para maglakad at medyo malapit lang naman ang building namin. Sa katunayan, iisa lang ang building namin. Pero magkakaiba kami ng floor. Kami, nasa 3rd floor habang sila, nasa 2nd floor. Hindi din naman hasel dahil marami namang elevator dito.

Sean's POV

Nakarating kami sa classroom ng buo. Walang labis, walang kulang.

Pagpasok namin sa classroom, halos lahat ng mata ay nakatuon sa amin. Maliban sa isang babae na naka-yuko at parang walang pake sa paligid.

Unti-unti itong nagtaas ng tingin at tumingin sa akin.

Ang mga matang iyon, nakatingin sa akin na parang nananabik at parang matagal na niya akong kilala. Mga matang pamilyar sa'akin.

"Sean, halika na. Upo na tayo." sabi ni Alexa.

Pina-upo niya kami sa natitirang upuan sa likod. Naglaro sila ni Caine sa mga cellphone nila habang naghihintay sa guro.

Oo, nakapag-dala kami ng cellphone. Pero kahit ganon, wala parin kaming mahagilap na signal kahit saang lupalop pa kami pumunta.

Tinignan ko ang schedule ko at nagulat dahil tatlong subject lang ang naroon. Kaya naman napag-pasyahan kong tanungin si Alexa kung bakit tatlo lang.

"Yung ibang subject kasi sa ibang araw pa. Isa lang naman ang subject natin ngayong umaga. Yung isa before lunch at yung isa sa hapon." sagot niya.

Elite Academy: The Masked QueenWhere stories live. Discover now