MGD 25 - Ice Packs

Start from the beginning
                                    

"Obvious ba? Kakasabi ko lang diba?" naiinis pa rin ako sa kanya dahil wala s'yang sinabi kanina, at yung tipong hindi s'ya nakapagsalita. Ugh, nakakainis silang dalawa.

"Okay, aalis na ko." humakbang s'ya ng dalawang steps at tumingin sa direksyon ko. Hindi ko s'ya tiningnan pero nakikita ko s'ya gamit ang peripheral vision ko.

"Uy, sabi ko..aalis na ko." nag-pretend ako na wala akong naririnig. Ano na naman bang kailangan n'ya?

Narinig ko ang mga yabag ng sapatos n'ya na papunta sa kinaroroonan ko, noong matapos kong marinig ang mga yabag ay kinalabit n'ya ako sa balikat.

"Babylove..ang sabi ko aalis na ko." tiningnan ko s'ya sa mata at halos matawa ako noong makita ko s'yang nakanguso.

"Sa tingin mo, maaawa na ako sa'yo?"

"Hindi ka ba naku-cute(an) sa akin?" hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Gahd, nakakatawa s'ya. Para s'yang batang inagawan ng laruan.

"Hindi.." bumuntong hininga ako, "Alam mo, hindi mo ako madadaan sa paganyan ganyan mo. Hindi naman ako kagaya ng iba jaan.." inilibot ko ang tingin ko sa stylist at make-up artist ko na tuwang tuwa sa pag-uusap namin ngayon. "Na nakikinig sa may usapan ng may usapan.." para silang na-stun sa mga ginagawa nila.

Mukhang nakahalata silang dalawa at iniwan kaming dalawa sa loob ng tent. Kaming dalawa na lang ngayon ang nasa loob.

"Sorry na.." hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan, "Di ko naman sinasadya e." binawi ko ang kamay ko.

"Trish naman.." nakita ko ang singkit n'yang mata, "Ayaw ko lang sabihin sa'yo na s'ya yung bida. Baka kasi magalit ka, tsaka ayaw kong mag-isip ka pa ng kung anu ano. Babylove naman.." pang-aamo n'ya.

"Alam mo babylove, hindi naman ako magagalit. Bakit naman ako magagalit?" tanong ko. Halos masuka suka ako sa punyetang endearment namin, "Alam ko naman na mas maganda ako sa kanya. So bakit ako mabobother?"

"That means, bati na tayo?" tanong n'ya.

"Sinong nagsabi? Wala pa ata akong sinasabi na pinatawad na kita. Hays, minsan kailangan lagyan ng suhol bago patawarin.." napangiti s'ya.

"Yeah right, dapat lagyan ng pampadulas para madali."

"Anong sabi mo?!" mukhang may narinig ako na hindi maganda.

"Ay green minded ka pala babylove?" tumawa s'ya pagkatapos, "I mean, kailangan kong gumawa ng effort. Yung effort yung magsisilbing pampadulas para mapatawad mo ko. Ihhh, kung anu anong iniisip.." nang-aasar na sabi n'ya.

"Tse! Lumayas ka na nga. Shoo!" tinulak ko s'ya papunta sa exit ng tent.

"Hahahaha! Ihh, namumula. Gusto n'ya ng pampadulas.." hinampas ko s'ya ng ilang beses sa likod n'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now