CHAPTER 22

18.7K 424 7
                                    


CHAPTER 22

MELODIA WOKE up with a wide smile. Magaan ang pakiramdam niya dahil nakapag- usap na sila ni Andre.

Hindi na ito umuwi kagabi. Sa unit na niya ito natulog. And Andre being Andre, inangkin na naman siya nito. Gusto naman niya actually. Hindi niya alam pero hinahanap- hanap niya ito nitong mga nakaraang araw. Natuluyan na yata talaga siya sa pagiging malibog.

Nag- isang linya ang kilay niya nang maramdamang wala na sa tabi niya ang binata. Kinapa niya sa bed side table ang salamin niya at isinuot iyon.

Lumabas siya ng kwarto para hanapin ito at natagpuan niya ito sa kusina. Isinalang nito ang kawali sa stove pero iba ang tinitingnan niya. Naka- boxers lang kasi ito.

God!

“Back to eye- raping me again.” Anito habang nakatalikod pa rin sa kanya.

Mahina siyang natawa at lumapit sa binata. She hugged him from behind.

He gave her a side glance. “I love you.”

Sobrang lapad ng ngiti niya at isinubsob ang mukha sa likod nito. “I love you, too.” Nag- iinit ang mukha niya.

He chuckled and started cooking.

Biglang nalukot ang mukha niya nang maamoy ang bawang at agad na nabaliktad ang sikmura niya.

Madali siyang nagtungo sa lababo at nagsuka. Agad namang pinatay ng binata ang stove at hinawakan ang buhok niya para hindi iyon tumabing sa mukha niya.

“What’s wrong?” Nag- aalalang tanong nito habang hinahagod ang likod niya.

“Pregnancy thing.” Agad siyang nagmumog at umayos ng tayo. “I hate this.” Humarap siya dito at inihilig ang katawan niya sa katawan nito. “Ang baho ng bawang.”

Sinapo nito ang mukha niya at mariin siyang hinalikan. “Ano ang gusto mong kainin?”

Umakto siyang nag- iisip. “Baked scallops with cheese.”

Nalukot ang mukha nito. “Really? Early in the morning?”

She innocently nodded her head. “At gusto ko ng indian mango na tatlo ang buto saka sweet chili na bagoong.”

He looked at her with disbelief. “Mely, walang indian mango na tatlo ang buto.”

“Pero ‘yon ang gusto ko!” Ingos niya dito.

Itinaas nito ang mga kamay na parang sumusuko. “Okay, okay.” Kinuha nito ang cellphone na nasa island counter at may tinawagan.

Siya naman ay kumuha ng milk tea na nasa ref. Ilang milk tea din kasi ang ipinadala sa kanya ni Shynne kagabi. Naupo siya sa stool ng island counter at nakinig sa mga sinasabi ni Andre.

MABILIS NA tinawagan ni Andre ang kaibigan niya para sa gustong pagkain ni Mely. The baked scallops with cheese and sweet chili bagoong do exist, pero ang indian mango na tatlo ang buto? Saan siya maghahanap n’on? Kahit sa Mars yata walang gan’on.

“How may I help you, De Marco?” Sagot ni Lorenz na mukhang kakagising lang.

“Hey, bud. Magpapa- deliver sana ako.”

“Kakagising ko lang, sarado pa ang restaurant ko.”

Sinulyapan niya si Mely na matamang nakatingin sa kanya habang umiinom ng milk tea. “I know, Hanford. Pero nakakapagluto ka naman diyan sa bahay mo di ba?”

Tinawanan siya nito. “May lagnat ka ba or may nakaing masama kagabi?”

He heaved a deep sigh. “Ipagluto mo ako ng baked scallops with cheese at igawa mo ako ng sweet chili bagoong.”

Branded Series Book 2: Melodia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon