CHAPTER 4

19.4K 468 13
                                    


CHAPTER 4

PARANG MABIBIYAK ang ulo ni Melodia nang magising kinaumagahan. Hindi naman gan’on kadami ang ininom niya sa pagkakaalala niya. Sapo niya ang noo habang nakahiga pa rin sa kama.

Natigilan siya. Bakit siya nasa kama? Supposed to be, nasa sofa siya, sa kwarto ni Nika.

Iminulat niya ang mga mata. Sigurado siyang hindi iyon kwarto ni Nika. Naalala niyang may bakanteng kwarto sa tapat ng kwarto nito. Eh bakit dito ako natulog??

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang may braso na nakayakap mula sa likuran niya. Gusto niyang abutin ang salamin niya na nasa bed side table pero nagdadalawang- isip siya. Baka magising ang kung sino mang nakayakap sa kanya.

Bahala na!

Inabot niya ang salamin at mabilis na isinuot iyon. Lilingon na sana siya nang magsalita ang nakayakap sa kanya.

“Good morning, Mely.” His voice filled her ears and it actually sent shivers down her spine.

Binaklas niya ang braso nito pero mas lalo lang humigpit ang yakap nito.

“Pa- hug na muna, Mely.” Ungot nito. “1 minute.”

“Baka gising na si Reese.” Pagdadahilan niya at pilit na inalis ang braso nito.

She needs to walk away ASAP! Why? She can feel his wood-hard erection in her butt! Yes, morning erection. And it’s so damn awkward!

Walang- lingon likod na naglakad siya palabas ng kwarto at nagtungo sa katapat lang nilang kwarto kung nasaan ang mag- ina.

Reese was already awake. Nakaupo na ito at kinakagat ang tether. Baka nangangati na naman ang gums nito dahil nga tumutubo ang ngipin.

Dumeretso siya kay Nika at naupo sa tabi nito.

“Good morning, Niks.” Hinagod niya ang buhok nito.

Bahagya nitong idinilat ang mga mata. “G-good morning, Melodia.” Halos hirap na itong magsalita.

“Water?” Tanong niya at tumango ito.

Inalalayan niya ito paupo at pina- inom ng tubig.

“Malapit na, Melodia. I can really feel it.” Namamaos na anito. “Pagod na ako. Kung hindi lang dahil sa anak ko, matagal na siguro akong bumitaw.”

Niyakap niya ang best friend niya. Ito na naman ang pinakaayaw niya. Hindi na siya nagsalita. Baka maiyak lang siya kapag nagsalita pa siya.

Tama namang pumasok si Andre sa kwarto. “Good morning, everyone.” Agad nitong kinarga si Reese at bumaling sa kanila. “Maglalakad kami sa labas para magpa- araw, gusto niyong sumama?”

Tiningnan niya si Nika at agad itong tumango.

Inilagay ni Andre si Reese sa walker at kinuha ang wheel chair ni Nika.

“Bihis lang ako.” Lumipat agad siya sa kabilang kwarto kung nasaan ang bag niya at nagbihis.

Magsusuot na sana siya ng blouse nang biglang bumukas ang pinto.

“Holy hell!” Gulat na ani Andre at agad na tumalikod. “Bakit hindi ka nag- lock!?”

“Bakit hindi ka kumatok!?” Padaskol niyang sagot at mabilis na isinuot ang blouse niya.

God! Kailan ba hindi magiging awkward ang mga nangyayari sa kanila? Hindi pa nga niya nakakalimutan ang halik nila kagabi, heto na naman. Yes, hindi niya iyon nakalimutan.

“Okay! Sorry. Kasalanan ko.” Pagsuko nito. “Ready na kaming umalis. Tatawagin lang sana kita.”

Naglakad na siya palabas ng kwarto at marahas na hinila ang pinto na hawak pa rin ng binata.

Branded Series Book 2: Melodia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon