Chap 34 - Stage 3: Open Water Race

2.5K 44 2
                                    

**********************************************************

To win a race, the swiftness of a dart availeth not without a timely start.

**********************************************************

Jace Koby's POV

Halos lahat kami nasa bonfire na dalawa na lang ang kulang, si Vance at si Purple Dee. Eliminated na si Krait kasi siya yung huli samin ngayon dahil na rin siguro sa pagkabugbog, mali pala, dahil sa pagkasipa ni Black Dragon sa kanya dun sa ehem niya.

San na ba kasi yung Vance na yun?! Di naman pwedeng nabugbog siya nung Purple Dee na yun eh kasing liit lang yun ni Johanna! Aiiishhh.

ako: Pre, wala pa ba si Vance?

Waine: Pre, muka bang nandito na siya?

ako: Gag*! Wag mo kong pilosopohin ngayon!

Waine: So sa ibang time pwede?

Tinitigan ko na siya ng nakakamatay. Bwisit, mainit na nga ulo ko papainitin pa niya?! Minsan talaga tahimik tong si Waine pero kapag nagsalita ang sarap sapakin eh. Isama mo na yung accent niya.

Xavier: Oh, mga pre magkakampi tayo dito ah.

ako: Eh putragis kasi tong si Waine eh!

Waine: Tss. Mainit lang ulo mo kasi naagaw sayo ni Black Dragon yung eagle na naspotan mo kanina eh.

Tumingin ako kay Black Dragon, nakatingin siya dun sa part na pinagpuntahan ni Purple Dee. Nakapinta sa muka niya ang pagaalala.

ako: Pinabayaan ko na lang siyang makuha yun.

Nakatingin pa rin ako kay Black Dragon, di ko alam but she seems very familiar. Kung hindi lang dark green at blue yung eyes niya iisipin kong siya si Pat-Pat eh. Hindi ko alam! Naguguluhan na ko!

Zeth: Gentleman ka na ngayon, Jace?

ako: Tumahimik ka nga. Pinabayaan ko na lang sa kanya kasi may nakita pa naman akong isa atsaka mas malaki naman yung nakita ko kesa dun sa pinagaawayan namin.

Xavier: Defensive?

ako: Aghhhh! Bakit ba ako ang binubwisit niyo?! Nasan na ba si Vance?!

Zeth: *bulong* Change topic >.>

Naghintay pa kami ng 15 minutes. Automatically eliminated na sila kasi sila na yung huli. Nagtataka lang ako kung bakit nahuli siya, eh sa totoo nga lang nakita ko na siya kaninang may dala dala nang eagle bago ko makita si Black Dragon eh.

Zeth: Baka naman napatay na yun.

ako: Zeth, wag ka na ngang magsalita kung wala din namang kwenta.

Warning tone na yung ginamit ko, kahit biro yun dapat hindi siya nagsasalita ng ganun. Kaibigan at kagang pa rin namin si Vance.

Ilang sandali pa nakita na namin sina Vance, kasabay niyang lumapit sa bonfire si Purple Dee at parang iba yung aura niya ngayon.

Ms. Gangster: A Thought To Be Ms. Angel  (JulNiel)Where stories live. Discover now