Chap 41 - Jeju Trip

2.6K 56 14
                                    

*****************************************************************

Trusing the person you love is like praying to God, you don't see Him but you know He will answer your prayers.

*****************************************************************

Mara Patrice's POV

According sa tourist guide na hawak ko ngayon, nasa Majanggul Lava-Tube kami ni Koby ngayon. Nabuo siya dahil sa pagdaan ng lava sa part na toh at nabuo yung ala tube na cave na toh. Ang ganda nga eh kasi ang daming rock formations kang makikita, enjoy much!

Koby: Nagugutom ka na ba?

ako:Hmm.. Yeah. Kain na tayo?

Koby: Sige.

Inakbayan niya ko at lumabas na kami dun sa tunnel or cave na yun. Sumakay kami sa kotse niya, Ferrari 599XX. Gusto ko sanang dalhin din yung kotse ko kayalang sabi ni Koby wag na lang daw para magkasama kami palagi. Binuksan ko yung radyo at saktong Bubble Pop ang naka on. Edi ano pa? Todo sayaw naman ako! 

Nakatingin lang sakin si Koby habang naka smile sa akin ng sincere at paminsan minsan ay sumasabay din sa kanta.

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa isang market place, crowded siya pero maganda pa rin kasi bagay na bagay yung mountainous background niya. May mga batang karga karga ng nanay nila or hawak hawak. Busy yung mga tao sa pagbili ng pagkain. May mga foreigners ka ding makikita, marami nga sila eh.

Pero ang pinaka intriguing sa lahat ay ang masarap na amoy na nanggagaling sa isang korean restaurant, di siya talagang restaurant para lang siyang karendirya pero mukang masasarap yung mga pagkain dun.

Koby: Gusto mo dun?

ako: Mhm.

Koby: Tara!

Hinawakan niya yung kamay ko para di kami magkawalaan sa daan. Crowded yung cafeteria pero may isang pwesto dun sa may likuran niya overlooking the plains of Jeju. Dun kami umupo at nilapitan kami ng isang koreanang waitress. Mukang puzzled pa siya kasi mukang di siya marunong mag english at muka ring bago pa siya dito.

ako: Uliga hangug-eoleul sseul geogjeonghaji maseyo. *ngiti*

Muka namang relieved siya sa sinabi ko. Tinanong niya kami kung anung gusto naming kainin and we answered her with a question, kung anu ba yung mairerekominda niya sa amin.

We ended up with a Seafood and Kimchi Crepe and Seonggeguk itsa sea urchin soup. 

ako: ANCHARAP! 

Koby: Hahaha! Sa sobrang sarap may dumi ka sa labi mo.

Lumapit siya sakin at imbis na pamunas o yung kamay niya ang ipamunas niya sa labi ko... Ginamit niya yung....

Paa niya!!!!

Syempre joke lang yun.

Hinalikan niya ko para matanggal yung dumi sa labi ko. I don't know kung actual kiss ba toh or tinanggal niya lang talaga yung dumi sa labi ko.... But either.... KINIKILIG PA RIN AKO!!! >////////////////////< WHy does he have to do that?! Alam niya bang pwedeng makamatay yun?!

Koby: Yes! No distractions!

ako: Loko ka talaga! Ang daming tao oh!

Koby: Hindi naman sila nakatingin eh atsaka ano bang paki nila?

Napayuko na lang ako kasi parang mas mainit pa yung muka ko kesa dun sa Seonggeguk eh. Sumubo na lang ako ng sumubo hindi lang dahil sa sarap nito para na rin maibsahan yung kilig ko...

Ms. Gangster: A Thought To Be Ms. Angel  (JulNiel)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt