Chapter 21

435 13 0
                                    

      Hindi na ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Sung Cheol, agad na akong pumasok ng dahan-dahan.

     Nakita ko si Princess na nakaupo sa gilid ng kama ni Sung Cheol, umiiyak. She looks devastated. 

     "Sana hindi na lang ako nagpahatid sayo. Sana di na lang ako pumunta dun. Tamo ito tuloy ang nangyari sayo. Bakit kasi ang bilis ng patakbo mo?! Gumising ka na! Nurse ka hindi ba? Dapat ikaw ang nag-aalaga sa pasyente, hindi yung ikaw ang nakahiga dyan. Ang tamad mo." Sigaw niya kay Sung Cheol.

Naaawa ako kay Princess, kita sa kanya ang hinagpis. Naiinis ako kay Sung Cheol, pinapahirapan niya ang loob ni Princess. Sa panahong ito, wala akong magagawa kundi icomfort siya sa paraang kaya ko. Kahit masakit, gagawin ko dahil mahal ko siya. 

     "Kahit anong gawin mo, di yan sasagot." Sabi ko.

      Humarap siya sa akin at nagulat na nandoon ako, siguro ay di niya inakalang pupuntahan ko siya pagkatapos ng nangyari. Pero hindi ko siya matiis.

     "D-D.O? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya

     "Nalaman ko kasing di ka pa daw kumakain. Kaya ito, nagdala ako ng Jjangmyeon para sayo. Iniwan mo na nga ako dun, tapos gugutumin mo pa ang sarili mo." Umupo ako sa tabi nya.

     Hanggang ngayon ay lumuluha parin siya. Kaya naman kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at ipinunas ito sa mga mata niyang lumuluha. "Wag kang umiyak. Ang pangit mo." Dinadaan ko na lang sa biro ang lahat para kahit papaano matulungan ko siyang mabawasan ang lungkot niya.

     "Sorry D.O ha. Iniwan kita doon." Sabi niya.

Ayoko ng pag-usapan namin ngayon ang nangyari dahil lalong madadagagan ang guilt sa puso niya. Kailangan kong bawasan yun kaysa sa dagdagan pa. "Wag na muna nating pag-usapan yun. Baka marinig ka ni Sung Cheol, baka mag-selos yan, magising at suntukin ako." Sabi ko. "Dapat di mo sisihin ang sarili mo." Dagdag ko.

     "Narinig mo ang mga sinabi ko sa kanya?" Aniya.

     "Siguro. Kanina pa ako nakatayo dito paglabas ni Mina." Sabi ko kahit kani-kanina lang naman ako pumasok.

     "Chismoso ka rin pala." Aniya. Tumawa ako.

     "Anong plano?" Curious ako sa isasagot niya.

     "Siguro hihintayin ko siyang magising, tapos aalagaan ko siya hanggang sa maging maayos na siya." Sagot niya.

     Mukhang kailangan ko ring maghintay. "Ganun ba? Ako rin hihintayin ko yun." Sabi ko.

     "Bakit?" Aniya.

     "Kasi kapag gumaling siya, magagawa ko na ang gusto ko. Masasabi ko ns ang gusto kong sabihin sayo. Hindi ito ang tamang panahon. Pag gumaling siya, dun ang tamang panahon."

     "Panahon para?" Aniya.

     "Basta. Akin na lang muna yun."

Panahon para sabihin ko na sayo na mahal na mahal kita.

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon