"Ano ba toh? Saan mo ako dadalhin? Kidnapping ba toh?! Yah! Wala akong pera!

     "Ang OA mo! Madami akong pera, di ko na kailangang gawin yun." Ako? Kidnapper?! Cute ko kaya, di ako katulad ni Tao na mukhang goon.

     "Eh pwede na ba?" Aniya.

     "Sige. Open your eyes." Utos ko.

     Nanlaki ang mata sa nakita niya. Sabi na nga ba eh at magugustuhan niya toh! ^o^

     "Nagustuhan mo ba?" Tanong ko. Kahit naman ideny niya, alam kong nagustuhan niya.

     "Para saan to? Ang ganda!"

     "Para sayo yan." Simpleng sagot ko.

I was waiting for her answer kaso nga lang nagring ang phone niya.

     " Wait lang ha. Sasagutin ko lang." Aniya.

     "Aish!!!" Eto na naman tayo sa interruptions >__< Bwiset!

     "Hello Sung Cheol?" Sung Cheol daw?! D__o lagi na lang talaga! 

     "Oo ako nga. Sino ka? At bakit nasayo ang phone ni Sung Cheol?!" Nakidnap si Sung Cheol? Hahahaha!

    Biglang nanlaki ang mata niya at tila nanlambot. Anong nangyari? 

     "Ano?! Saan yan? Pupunta ako diyan." Sagot niya. Hala! >___<

     "Kailangan ko ng umalis D.O. Pasensya na. " Akmang tatakbo na siya pero hinawakan ko ang braso niya. Hindi pwedeng iwanan niya ako dito! Kung kelan handa na ako, ngayon pa siya aalis?!

     "Aalis ka na naman?" Nanlisik ang mata ko sa inis.

     "Naaksidente si Sung Cheol! He needs me." Tama ba ang naririnig ko? He needs me? Paano ako?

     "Mas mahalaga pa ba yun?! Paano ako? Kailangan din kita." Tanong ko. "Kapag umalis ka.. h-hindi  na mauulit toh, Princess. Sinasabi ko sayo, hindi ko na itutuloy toh." Pinapangako yan. 

When I Met Mr. PerfectionistWhere stories live. Discover now