Mabilis na lumipas ang mga araw. Nilipat na ako sa isang private room na siyang palaging binibisita ng mga Royals, alas at nina Wenchie, Rochelle at Ella. Matagal-tagal na rin simula nang huling makita ko si Kelly. She didn't visit me.

Sino ba naman ako para bisitahin niya?

Napalapit na rin ang loob ko kay Kelly kaya mahirap para sa akin ang kamuhian siya. I may hold grudges ngunit para lang 'yun sa mga taong walang ibang ginawa sa akin kundi kasamaan.

"Mahaba na buhok mo, oh." Sinuklay-suklay ni Ella ang buhok ko habang si Wenchie ay naglalaro ng uno cards kasama si Rochelle. "Umabot na hanggang hita mo. We'll cut this after you'll get discharge, okay?"

I nodded. Sa nakalipas na isang linggo, unti-unti nang bumabalik ang aking lakas. Pero hindi pa rin ako makapagsalita. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa akin.

Si Jared naman, simula nang mailipat ako dito sa private room, palagi na 'yun dito. No matter how much I want to ask him where's Kelly ngunit di ko magawa dahil hindi ako makapagsalita. He's now caring. Minsan ay naggigitara siya habang kinakantahan ako na mas lalong napapasakit sa puso. How can I move on when he keep on making me fall for him harder?

"Please, Nat. Magpagaling ka dahil delikado dito sa hospital." Naalerto ako sa sinabi ni Wenchie. "Antonio Aurin is looking for you."

"Oo nga, Nat." Segunda ni Rochelle. "Hindi ko lubos maisip na ama mo 'yun. Sobrang yaman niyo pala. Magmukha rin kayo—"

Natigilan sa pagsasalita si Rochelle nang sikuhin siya ni Wenchie. Pinandidilatan ni Wenchie ng mata si Rochelle.

"Mga baliw..." mahina kong sambit na nagpatigil sakanila sa kanya-kanya nilang ginagawa.

"C-can you speak again?" nahihiwagaang sambit ni Ella at hinawakan ang kamay ko kung saan nakaturok ang IV Fluid kung kaya't napaungol ako sa sakit.

"Holy shit, Ella! Mapapatay talaga kita!" Natatarantang lumapit sa aming pwesto si Wenchie at mabilis na binatukan si Ella.

"Aray ko! Ano bang problema mo?!" Nakalukot ang mukha ni Ella habang masamang nakatingin kay Wenchie at hawak ang parte kung saan nabatukan.

"Ang tanga mo kasi! Hindi na nag-iingat!"

"Sorry naman nakalimutan ko," ani ni Ella sa mababang tono at kinamot nalang ang kanyang ulo.

"Eww, may kuto," gagad ni Rochelle.

Tumaas ang kilay ni Ella sa narinig. "Excuse me? Gusto mo ipakita ko sa'yo isa-isang hibla ng buhok ko para makita mong wala akong kuto?"

Nangunot ang noo ni Wenchie. "Bobo lang, Ella? Lisá ang nakakapit sa hibla ng buhok. Hindi kuto. Sige bobohan mo pa."

Napangiti ako ng wala sa sarili at sinubukang masalita. "Stop it."

Natigilan naman sila at sabay na lumapit sa pwesto ko. "Can you talk again?"

"My god, Nat. Namiss ko boses mo."

I smiled and closed my eyes. "Please, keep this news between us."

"Natasha.." Panimula ni Wenchie sa bagong usapan. "Are you really gonna leave? Binigay sa akin ni Milda ang resignation letter mo. "

Natahimik ang lahat sa sinatinig ni Wenchie. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. I opened my eyes and land it to Wenchie.

"Yes." I took a deep breath. "I'm leaving. Pagod na ako, Chay. I'm tired of adjusting myself just to fit in in this environment." Nagpatakan na naman ang aking mga luhang parang isang gripo.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Where stories live. Discover now