Kabanata 10

36.5K 1.2K 74
                                    

Kabanata 10

"Anong nakain mo?" tanong ni Ella nang makapasok ako sa loob ng kotse niya na maghahatid sa amin patungo sa bahay ni Adam para sa gaganaping victory party.

"Wala naman, bakit?" takang tanong ko.

Agad na nasapo niya ang kanyang noo at bumuga ng hangin. "Really, Natasha? Loose jacket and a loose jeans? Seryoso? Pinangangatawanan mo talaga ang pagiging Manang, e 'no?"

Nginisihan ko na lang siya. Wala akong pake sa suot ko. Basta kaylangan kong pumunta dahil baka malasing si sir Jared. Kailangan ko itong alagaan kasi yun ang bilin ni maa'am Sandra, at ito ang trabaho ko.

Huminto ang sasakyan sa isang mansion. Mula rito, rinig ko ang dagundung ng musika. Agad kaming lumabas ni Ella. Nauuna itong maglakad. Nakasuot siya ng isang pink floral dress na bumagay sa kutis niya. Wala rin siyang suot na salamin, so I guess she's wearing a contact lense.

Andito ako para sa trabaho ko. No more no less. Isa rin kung bakit ganito ang suot kong damit ay dahil rin ay madali nila akong makikilala as Queen of Spade dahil sa kulay ng balat ko. They often call me Snow White dahil sa kaputian ko. Kaya as long as kaya ko, kailangan kong mag-ingat. Marami namang mapuputi dito sa maynila ngunit kaylangan ko pa ring mag-ingat.

Nakakasilaw at nakakahilong ilaw ang sumalubong sa'min ni Ella nang tuluyan kaming makapasok sa loob. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa pwesto nila Adam. Habang naglalakad ay may nadaraanan kaming mga lalaki at babaeng nag me-make out sa gilid na ikinangiwi ko. Hindi ba sila hihiya?

"Good evening, A-adam," nahihiyang bati ni Ella nang marating namin ang pwesto nila.

Pagod akong umupo sa sofa katabi si Aldrin. "Uy, bawal bata dito," asar nito na ikinalukot ng mukha ko.

"Ako ba'y ini-small mo?" Pagtataray ko.

Agad niyang pinalibot ang braso niya sa balikat ko at diniin ako palapit sa kanya habang ginugulo ng isa niya pang kamay ang buhok ko.

He laughed. "Ang tagal mo kasing tumangkad."

Pansin kong nakatitig lang si Ella kay Adam habang si Adam ay busy kakasimsim sa champagne na hawak niya. Agad kong hinila ang kamay ni Ella kaya napaupo ito sa tabi ko.

Nilibot ng paningin ko ang mga taong nasa pwesto namin ngayon. Dumapo ito kay Sir Jared na busy kakahalik sa isang babae na ikinangiwi ko.

Napansin siguro ni Adam ang reaksyon ko kaya bahagya itong umiling at tumayo upang lapitan ako. "There's somewhere quite, you can stay there until the party's over."

"Ahh..." Nilingon ko si Ella sa tabi ko.

Tumango ito. "Go, Nat. I know you can't stand this type of crowded and noisy place. Tatawagin na lang kita kapag uuwi na ako."

Napahinga ako ng malalim. Thank you, Jesus. I think my ear is going to wreck. Ang sakit sa tenga ng malakas ng musika.

Habang ginigiya ako ni Adam paakyat sa second floor, ramdam ko ang talim ng isang titig. Napahinto ako sa gitna ng hagdan at lumingon pababa. Hinanap ng mata ko ang taong matalim ang tingin sa akin hanggang dumapo ang paningin ko kay sir Jared.

Malamig at matalim ang tingin nito sa akin habang hinahalikan siya ng babae sa leeg. Nakaupo kasi siya sa pwestong paharap sa hagdan kaya malaya niya kaming napapanood habang paakyat.

"What's the matter, Natasha?" takang tanong ni Adam nang mapansin niya ang paghinto ko.

Agad akong bumaling sakanya at hilaw na ngumiti. "Wala. Patuloy tayo."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Where stories live. Discover now