Chapter 10

3K 61 0
                                    

Parang kiti-kiting di mapakali si Charlie habang naghihintay sa waiting area ng airport.
 
“Charlie, umupo ka nga.  Baka mapaanak ka nang wala sa oras nyan eh..”  reklamo ni Timmy.  “Ano bang inaalala mo dyan, ha?”

“Hay.  Actually, di lang talaga ako mapalagay na in-announce nya sa tv na kasal na kami.”

“Hmp.  Pasalamat ka pa nga’t proud syang nakasal sayo.  Tapos balak mo pang isikreto.  Di mo pa ako ininvite sa tsibugan man lang.  Si Aya at Drake lang.”  Nakangusong reklamo ni Timmy.

“Uy, sorry naman.  Biglaan kasi eh.  Di ko rin naman akalain na mangyayari yon nung araw na yon.”

“Eh bakit isisikreto mo pa?”

“E kasi baka maka-apekto sa career nya eh.”

“Ayaw mo nun?  Di na sya dadagsain ng mga nagpapantasyang fans.  Sayo’ng sayo na sya.”

“Sana nga.” Pabulong na sambit ni Charlie.  Hanggang ngayon kasi may insecurities pa rin sya sa relasyon nila ni Jason.  Kahit narinig na nya mula dito ang mga hinihintay niyang kataga, di pa rin sya sure sa feelings ng lalaki para sa kanya."

"Oh, nandyan na sila oh."  sabi ni Timmy na nakatingin sa mga reporters na biglang nagkagulo.

Namrublema tuloy si Charlie kung paano makakalapit sa asawa nya nang di nakikita ng madla, especially ng media.  Marami na rin kasing nagtanong sa kanya kung sya ba ang tinutukoy ni Jason sa interview nito.  At ang daming nag-congratulate sa kanya.  Kahit ang mga customers nya sa shop.  Dumagsa din kasi ang dating ng customers simula noon kaya parang nakalibre din sya sa promotion ng coffee shop nya.

Asawa ko.  Bakit ganun?  Kinikilig pa rin akong isipin na asawa ko na sya.  Hmmnn… Ang daming press.  Paano ko ba sya sosorpresahin nito?  

Pero di na rin pala nya kailangang sorpresahin si Jason.  Agad syang nakita ni Jason paglabas nito at ganon nalang ang tuwa sa puso niya nang makita kung gaano kalaki ang ngiti sa mga labi nito pagkakita sa kanya.


Pinilit ni Jason na tapusin sagutin ang mga tanong ng mga reporters na sumalubong sa kanila bago mataktikang tumakas sa mga ito.  Saka niya pinuntahan si Charlie at sinalubong ng isang mahigpit na yakap.


"You're here!  I missed you so much!  Oopss.  Baka mapisa si baby.  Hi, Timmy."  Bati ni Jason sa kaibigan nya.

“Nakakainis ka Jason.  Bakit naman pinikot mo tong friend ko?”

“Ayaw ko nang pakawalan eh.  Ano’ng magagawa ko?”  sagot ni Jason habang akbay sya.

“Hmp.  Pasalamat ka at sweet ka sa friend ko.  Patatawarin kita ngayon pero kailangan mas bongga ang church wedding nyo ha?  ‘Nga pala, congrats on your win!!!  Ang galling-galing mo dun sa field ah.”  Sabi ni Timmy habang naglalakad na sila papunta sa parking lot.

Tuloy-tuloy lang ang usapan ng dalawa hanggang sa kotse tungkol sa nangyaring pagkapanalo ng Azkals sa ibang bansa habang si Charlie naman ay nakikinig at nakahilig ang ulo nya sa balikat ni Jason.  Nararamdaman niya ang maya’t mayang pag-amoy at paghalik ni Jason sa ulo nya.  Ilang beses na rin kasi sinabi ni Jason na gusting-gusto nito ang amoy ng buhok nya.  Buti nalang nahiyang sya sa shampoo na gamit nya kaya di na sya nagpalit.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon