Chapter 3

3.1K 58 6
                                    

UNA! UNA! KAYA! KAYA!

Di po kayo nagkamali mga kaibigan.  Balik po tayo sa Chapter 1.  Uulitin ko chapter 1 para mahaba-haba tong storyang to...haha...Joke! 

Start na kasi ng bagong season ng UFL kaya maririnig natin ulit ang makukulit na cheer ng Kaya FC fans.  Syempre papalagpasin ba to ng magkakaibigan?  Matagal-tagal din nilang di nasulyapan ang mga iniirog nilang football players.  Tulad nalang ni Aya na nakatutok lang ang mga mata kay Nate Burkey.  Si Timmy late na naman pero naka-reserba na ang upuan para sa kanya.  Pero si Charlie tahimik lang na nanonood.  Mukhang malalim ang iniisip.

Natapos ang laro na panalo ang Kaya FC laban sa team ng Nomads Auction.  Mahigpit din ang laban at medyo nahirapan ang team nila Jason sa offense.  Mas hinigpitan kasi ng Nomads ang depensa nila laban sa magagaling na strikers ng Kaya. (naks naman...parang ang lawak lang ng kaalaman sa soccer...hehehe..)

At di mawawala ang pagpapa-picture sa mga players, pero this time medyo nag-alangan na si Charlie na lumapit.  Salamat nalang at napagkamali lang nila Aya, Timmy, Cassie at Kaligayahan na nahiya bigla ang friend nila.

"Lucky Charm!" uy, si Coach Drake present!  Lumapit si Drake sa super friends at namukhaan pa ang dalawang bagong kasama nila Charlie.  "Hi, girls.  Timmy, Cassie, Ligaya!!!  Long time no see ah."

"Hi Coach Drake!  Oo nga eh.  Tagal din namin di napunta dito.  Ano, napasagot mo na tong friend namin?"  Tsismosang Cassie talaga.  Di naman to ganito nung college eh. Mahinhin pa nga to dati...weh??

"Hindi pa nga eh.  Ilakad nyo naman ako.  Baka mas lalo kaming swertehin kung magiging girlfriend ko sya.. Hehe..."

"Mas masuwerte na kamo ngayon kasi she's pregnant."  Nakangising sabi ni Aya. 

"AYA!!!  Bakit naman kailangan mo pang sabihin kay Drake yun?"  Si Charlie, di tuloy sya makatingin kay Drake.

Tsk...Tingnan lang natin kung di ka pa mapaamin...tsk naman...bakit kasi di gumamit ng proteksyon yung kolokoy na naka-one night stand mo, Charlie?  Gusto lang kita batukan eh.  "Drake wala ka bang nakitang nakasabay o nakasama ni Charlie nung party nyo last month?"  This time seryosong tanong ni Aya kay Drake.  Di kasi nila mapaamin si Charlie sa kung sino ang ama ng dinadala nito.

Flasback muna tayo....

"Oh, ayan na, mukhang magigising na sya."  Naririnig na usapan ni Charlie nang magkamalay sya sa malapit na clinic sa coffee shop.

"Anong nangyari?"

"Hinimatay ka lang naman sa shop.  Sabi mo ok ka lang.  Ano ba talaga nangyayari sa'yo ha?" tanong ni Aya.

Saved by the bell si Charlie sa pagsagot kay Aya nang pumasok sa room ang gwapong doctor-slash-boyfriend ni Timmy na si Doc Iggy.  Bagay di ba?  Iggy loves Timmy...haha...

"Hey, Charlie. Ok na ba pakiramdam mo?"

"Yes, Doc Iggy."

"Charlie, namonitor mo ba kung kelan ang huling period mo?"

"You mean, monthly period, Iggy?  Bakit?"

"Well, according kasi sa HCG test na ginawa namin, you're about 5 weeks pregnant."

"Ano?!" Sabay na sigaw nila Charlie, Aya at Timmy na kakapasok lang sa kwarto.

"But-"  Aya.

"Pero-"  Charlie

"Ha?"  Timmy.  "Pero, honey, impossible yun.  NBSB tong friend ko."

"I know that hon.  Kababata ko s’ya di ba?  But that doesn't mean di na pwedeng magbuntis tong babaeng to."  Tila naninitang saad ni Iggy.  Di makapaniwala sa nangyari sa kababata.  Siguradong masa-shock si Tita Agnes nito.

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon