Chapter 1

5.8K 85 17
                                    

Maalinsangan nang hapon yon. Pero hindi napigil ng mainit na panahon ang pagsuporta ni Charlie sa paborito nyang UFL team.

"UNA! UNA! KAYA! KAYA!"

Kasabay ng tambol ng Kaya FC Ultras ang malakas na tibok ng kanyang puso dahil sa kaba.  Tie na kasi sa score na 2-2 ang Kaya FC at Loyola Meralco Sparks at nasa huling minuto na ng final half.  Close match 'ika nga.  At ang laban na yon ang magsasabi kung aling team ang champion para sa season na yon ng UFL.  Syempre anong koponan pa ba ang gusto nyang manalo?  Syempre ang Kaya FC.

Please, Lord.  Let my team make the final goal. 

Malakas yata si Charlie kay Lord.  Hamakin mo naka-goal ang crush nyang player!

"And it's a GOAL!!! A decisive goal by Jason Sabio in the last minute!!! And Kaya wins the game!!!" deklara ng announcer sabay whistle ng referee para sa pagtatapos ng game.

Napatalon sa tuwa si Charlie sabay yugyug sa kaibigan nyang si Aya.

"Aya they won!!! They won!!!!"

"Alam ko bruha!!! Wag mo nga ko alugin dyan. Nahihilo tuloy ako."  angal lang ni Aya.

"Tara papicture tayo! Dapat yung topless si Jason. Teka, naghuhubad sya ng shirt mukhang ibabato nya dito! JASON, HERE!!!"  sabay kaway lang sa idol nya.  May sa-Elastigirl ata tong babaeng to, naunahan pa nyang umabot ng binatong T-shirt yung babae sa harap nya.  Hindi na nya napansin na sumimangot yung babaeng naagawan nya ng shirt dahil sa sobrang saya.  Bakit ba, e sa mas magaling sya umabot ng shirt.  Todo ngiti nalang sya habang pasimpleng inaamoy ang shirt ni Jason.  Yiiiiiih!!! Amoy baby pa rin!!!

Lumapit sila sa nanalong team at nagpapicture sa mga gwapong players.  Syempre, save the best for last na ang love of her life nya na si Jason.  Sobrang gwapo talaga ng mahal nya di nya lang maiwasan na mapatitig.  Si Jason lang ang pangarap nyang makapiling sa habang-buhay (me ganun???) at kung di rin lang siya ang makakatuluyan ni Charlie, e mas nanaisin na nyang tumandang dalaga.

Na kay Jason na kasi lahat ng gusto nya sa lalaki:  tall, dark, and handsome.  Idagdag pa na may sarili na syang business, ibig sabihin kaya nang bumuhay ng sariling pamilya.  Dagdag pogi points pa na magaling sya sa football at super bait. 

Yun nga lang may problema.  May girlfriend na kasi si Jason na anak pa ng sikat na cosmetic surgeon. Ano'ng panama nya dun?  Napabuntung-hininga nalang sya sa isiping yun.  Pero kahit may gf na si Jason, wala pa ring makakapigil sa kanya na makapagpa-picture  sa iniirog niya.

"Hey Jason, are you going to the celebration party this Friday?" tanong ni Anton kay Jason.

"No, pare, I think I'll pass this time."

"O, bakit naman?  You should be there 'cause you made the winning goal."

"I already told Coach I'm not going, pare.  Got to do something important this Friday."  Jason smiled.  I'm finally gonna propose to my lovely girlfriend.

Nalungkot naman ang mga fans na nakarinig na hindi makakapunta si Jason sa party, kasama na si Charlie.  Awwww, bakit naman di ka pupunta? Di na nga rin ako pupunta. hmp.

Pwede kasing pumunta ang mga fans ng KAYA FC sa mga celebration parties ng team tulad nalang ng ngayon.

"O, Charlie, di raw pupunta si Jason.  Baka naman di ka pupunta nyan? Naku sasabunutan kita, gusto ko pumunta." Banta lang ni Aya.  Sayang ang mga papables dun. Masarap din namang makita sila na hindi naka-uniform at pawis no.

"Tinatanong pa ba yan?  Kung wala rin lang si Papa Jason dun, di na ako pupunta.  Sige kahit ikaw nalang representative ko...hehe..."

"Sira ka talaga.  Lam mo namang kaw lang gate pass ko sa mga ganyan kasi may crush sayo yung assistant coach eh.  Kainis ka."

Just Got Lucky...With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon