25 ~ Past 2/3

Magsimula sa umpisa
                                    

"Atasha Daye din, Mama. Uwi na kayo pagkatapos ng sexy time, ha? Ha?" Pilit pa nito, tutok na tutok sa kanya. "Okay?"

"Oo, anak. Malapit na kaming umuwi."

Tumalon-talon ito kaya pati ang camera ay nagulo gulo rin. Napangiti nalang siya. Miss niya na si Daye.

"Okay, Mama! Love you. Love you." Tapos ay ki-niss nito ang screen ng cellphone.

She did the same. She kissed the screen. "Love you, anak ko."

Nang matapos ang tawag ay ibinalik niya kay Dwaye ang cellphone. Nakaupo ito sa harap ng duyan, ratan na lamesa ang nasa pagitan nila.

"Miss our daughter?" Dwaye asked, staring at her.

Tipid siyang tumango. "Sobra. Kailan ba tayo aalis dito?"

"Okay na ba tayo? Hindi ka na galit sa'kin?"

"Umamin ka muna na nakipag threesome ka."

Dwaye let out a loud breath. Tamad na isinandal nito ang likod sa inuupuan. Ilang beses na nitong itinanggi ang bagay na 'yon, pero sa tuwing ibinabalik niya ang topic at nakikita ang itsura nito ay natutuwa siya.

"Hindi nga, Jess. Walang nangyaring threesome." Magkasalubong ang kilay ni Dwaye, parang pagod nang paniwalain siya.

Pinigil niyang mapangisi. Masarap din pala pagtripan ang isang 'to. Mas na-a-attract siya kapag nakakunot na ang noo at salubong ang makakapal na kilay.

"E, di wala. Hindi lang mawala sa isip ko. 'Yung mga haplos at halik nila sayo, hindi mabura sa isip ko." Pag-amin niya.

"That was part of their mission. Please, kalimutan mo na 'yon. Kinalimutan ko na 'yon. The memories we shared was the only thing in my mind. Ikaw lang ang babae sa isip ko." His voice was sincere, ang hirap na hindi paniwalaan.

Malamlam ang mga mata na sa kanya lang nakatuon. Sa likod nito ay tanaw ang karagatan. Nag-aagaw na rin ang kulay kahel at itim na langit.

Nakapatong ang ulo nito sa ibabaw ng sandalan, nakatingala sa langit, kaya mas nadepina ang leeg, an adam's apple ay maingat na gumagalaw.

Kung bakit ay sa kaunting kilos lang nito ay namamangha ang mga mata niya. Kinakain na ng dilim ang paligid, ngunit tila nagpaganda lang 'yon sa tanawin niya.

"Gusto kong marinig ulit ang kwento mo. Pwede?" Matamis siyang ngumiti kahit hindi naman ito sa kanya nakatingin.

"Ikaw muna. Gusto kong malaman ang nangyari sayo pagkatapos nang araw na 'yon." He moved his head forward to face her again. "Please?" Sa nangungusap na mga mata nito ay napatango siya.

ANG SAKIT at galit na nag-aalpasan sa dibdib ni Jess ay hindi niya na maipaliwanag. Ang makita si Dwaye na may kasamang ibang babae ay ang hirap nang lunukin, 'yon pa kayang makita ang bawat haplos at halik nito sa mga babaeng 'yon?

Higit sa lahat ay ang mga masasakit na salitang binitiwan ng binata. He made her feel that she was useless and he's done with her.

Kahit katiting ba ay hindi pinahalagahan ni Dwaye ang nanagyari sila? Dala lang ba talaga ng droga kaya pakiramdam niya ay totoo at hindi purong pakikipagtalik lang ang ipinaramdam sa kanya ni Dwaye?

'Yung kaunting pag-asa sa puso niya ay nawala na, gumuho na.

"Idispatsa niyo na 'yan, bilin ni boss." Narinig niyang sabi ng isang tauhan.

Dalawang lalaki ang may hawak sa kanyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak ngunit hindi niya ininda iyon. Mas di hamak na masakit ang punyal na tumatarak sa dibdib niya.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon