Chapter 19: The One

616 33 0
                                    


JEM'SPOV:

     Sa halos isang linggong pag-iisip ay tinanggap ko ng hindi nga timing ang i-pursue pa si Alice. I know marami siyang
pinag-dadaanan for now. Hindi biro ang mawalan ng ina at nag-iisa na lang niyang magulang. Idagdag pa na parang suicide pa ang nangyari.

       Sinusubukan ko lang naman na makapasok sa buhay niya bilang karamay at kaibigan pero parang pabigat pa ako sa kanya.  I've decided yes, to go with my father in his next trip to Malaysia after Holy Week. But I'm taking in consideration pa rin na sa Pilipinas mag-aral.

       This Christmas Holiday ay wala pa akong plans  while si Kuya ay sa US mag-babakasyon sa mga lolo ko. Yun ang unang plano.  This means, wala muna akong kaagaw kay Alice.

     Di ko alam kumbakit ko nasabi na pahingi ng isang araw kay Alice. Hiyang-hiya ako. Siguro sobra ko lang siyang namiss talaga. Naging uncomfortable ako sa pagkaka-hawak sa akin ni Alice kaya kahit gusto kong mag-stay ay lumabas na lang ako.

     Lumabas ako ng venue at nagpa-hangin saglit kaso inubo naman ako sa mga usok ng sasakyan. Lumipat ako sa kabilang side kung saan may 711. May nagtitinda ng prutas sa tapat naisip kong bumili ng mansanas at ponkan. Pabalik na ako ng makita ko si Shaicee papunta sa akin.

      "Jem, nawala ka? Ano'ng ginagawa mo dyan?"
      "Ah wala, naisip ko lang bumili ng prutas."
      "Halika nga sandali," sabay hawak sa kamay ko at tumabi muna kami sa gilid.

       "Balik ka na sa loob, may problema ba?"
       "As usual 'yung bestfriend mong deadma sa pagsinta ko."
      "Haaay! Let her be muna, take time lang. Napaka-mainipin mo naman kasi. Hindi siya sanay sa ganitong larangan kaya medyo nag-aaalangan pa siya."
     "Tingin mo?"
     "I guess. Iba ang ningning ng mata niya sa tuwing magkasama kayo. Hindi man siya nagsasalita pero alam kong she cares too."
     "Hahayaan ko nga muna siya eh."
     "Di mo lang alam ang patience ko din sa paghihintay para mahalin lang ako ni Ner. Tiwala lang. Huwag lang agad sugud ng sugod. Just be yourself. Anyway, thank you sa 'yo. Sa inyo ni Jecko. Malaking bagay sa 'min ni Neriza ang pakulo niyong ito. I'm so happy."

     "I'm glad. Worth the wait naman diba?"
     "Yah. Kaya ikaw din. Tara na nga!"

      Bumalik na kami sa loob. Nagkakantahan pa rin sila. Si Alice naman ay kumakain ng pizza. Nilapitan ko siya.

    
     "Hi," nahihiya kong sabi. Tumaago lang siya.
     "Para sa 'yo o, fruits. Pampalakas. He,he!"
      "Hmm… salamat. Wala naman akong sakit."
     "Baka lang stress ka. Dagdag vitamins."
     "Thanks."

     Hindi na naman kami nagkibuan. Ano ba'ng gagawin ko?

     "Aaah Alice… ahmmmm.. Ano puwede ka ba bukas? Kasi, baka hindi na ako umabot ng pasko. Sasama ako sa Dad ko. I'm not sure pa sa plans."
     "Tingnan ko."
     "Okay."

ALICE' POV:

       Matapos ang party namin ay kanya-kanyang uwi na. Of course may sariling lakad pa ang lovebirds. Hindi ko na sila tinanong pero ang dinig ko ay magba-bar pa sila. Wala sa panahon para mag-saya ako. Okay na sa aking makasama ang mga  kaibigan ko.

     "Bes, pa'no ka uuwi?" tanong ni Shaicee.
     "Taxi na lang."
     "Sure? May isang surprise pa raw kasi si Ner."
      "You go ahead. It's  your night."
      "Okay sige. Just text me pag-wui mo ha?"
      "Sure."

     Ako na lang ang naiwan sa labas plus sina Ma'm Mafin at Raga.

     "Alice, ikaw? Sabay ka na sa amin. On the way naman yata."
    "Ay hindi na po, sige kay Jem na lang po ako sasabay."
    
       Papayag na sana ako ng may kumalabit sa likod ko.

Songs Of The Heart Series 2: Awit Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon