Chapter 5: Love can kill?

825 31 8
                                    

ALICE' POV:

        Naging busy kami lahat dahil sa finals week namin ngayon. Nandito ako sa dorm dahil bukas na ang last day and three more subjects to go. Ni hindi nga kami masyadong nakakapag-usap ni Shaicee na bestfriend ko. Kanya-kanya muna para sa kinabukasan.

        Sa kabilang banda, kung gaano kami di nagchi-chikahan ni Ice, ito namang kulit ni Jem sa akin. Nagtataka nga ako sa sarili ko dahil pag di nangungulit si Jem, mas namimiss ko siya kaysa kay Ice.

        Seryoso akong nagre-review ng magulat ako kung sino ang bisita ko. Bumaba ako salas at magkatabi kaming nakaupo sa sofa.

       "Alice," bungad ng Tita ko. Ate siya ng Mama ko. Mukhang hindi maganda ang aura niya.

       "Ta, napasugod ka?" tanong ko. Taga Taguig si Tita at napaka-dalang pumunta ng Manila malibang kung may kailangan. Pero sa 'kin siya may kailangan?

        "Alice anak, ayoko sanang abalahin ka pero I guess kailangan mong malaman."
        "Na ano po?"
        "'Yung Mama mo, wala na naman sa ayos. Bagong break na naman sa boyfriend. Eh, hindi kasi niya alan na may asawa."
        "What?! Maayos naman usapan namin no'ng nakaraan. Alam kong may bf siya pero hindi ko alam na may asawa."
        "Ayoko na sanang ipaalam sa 'yo kaso, uuwi ako ng probinisya sa Bicol. Hindi ko na maiiintindi pa ang Mama mo. May pamilya rin ako. Inaalala ko lang na baka magwala na naman 'yon. Mahina ang signal doon baka hindi ko na siya laging makausap?"

       "Bakit kasi ayaw niya pang umuwi ng Pilipinas tapos ako pa pinapapunta do'n. Isang sem na lang, ayaw niya pa akong pagbigyan."
     
        "Ikaw na lang nagdadala ng katinuan ng Nanay mo, Alice. Worried ako kasi dalawang araw ng di ko siya macontact. Kaso wala akong choice, kailangan ako sa probinsiya at nagka-sakit ang Tito mo."
       
         "Tsk! Haaay! May pera ka ba Ta? May naipon pa ako dito, pakibigay na lang kina Lola do'n at dagdag pan-gatas sa pinsan ko."
        "Itabi mo na 'yan. Mas kailangan mo 'yan."

         Nawalan tuloy ako ng ganang kumain ng tanghalian. Mula bata ako ay kung kani-kaninong tyahin na lang ako hinahabilin ng Nanay ko dhil kailangan niyang magrtabaho.
Nakakahiya namang ngayong malaki na ako, nanay ko pa rin tumatakbo sa mga tyahin ko. Buti na lang mababait sila.

        Mula bata rin ako, nawiwitness ko kung gaano bigay-todo magmahal ang nanay ko. Hindi lalakero ang nanay ko, madali lang siyang mainlove matapos ang isa at walang tinitira sa sarili. Nagsinungaling ako kanina sa Tita ako. Alam kong may asawa ang bf niya ngayon pero wala ako sa tabi ng Nanay ko kaya hinayaan ko na lang siya. At least may nag-aalaga sa kanya.

         Elementary nga ako noon na nawitness ko rin kumpaano siya maglasing ng ilang araw, walang ligo, walang suklay. Na inaaway na siya ng mga tita ko dahil napapa-bayaan niya na ako.

        Nagising lang yata siya ng magkaro'n ako ng Dengue at mag-agaw buhay. Pero gano'n pa rin eh. Saglit lang magbabago tapos balik sa dati. Sa murang edad, nagtanong ako. Akala ko ba Love is the most beautiful thing in the world? Pero bakit sinisira ng Love ang nanay ko? Bakit siya tila kandilang inuupos nito sa tuwing nabibigo?

       Saan ba may mali? Kaya lumaki tuloy akong galit sa salitang Love dahil hindi yon totoo. Nakakawasak ang pag-ibig at ayokong mangyari sa akin 'yon. Pangarap kong maging abogado pero hindi kaya ng pera. Kaya mag-aaral ako panimula,magtatrabaho hanggang makaipon. Hindi ko hahayaang sirain ako ng kilalang 'love' ng Nanay ko.

       Iniwan kong nakakalat ang mga libro at reviewer ko sa kabilang kama ng dorm mate ko. Humiga ako atsaka tinadtad ng text ang Mama ko. Bahala na kahit sabihin niyang wala akong galang pero minsan, kailangan ding sampalin ng real talk para matauhan.

Songs Of The Heart Series 2: Awit Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon