Chapter 6: Moodswing

665 31 4
                                    


A/N: Linked to Series 1: Chapter 26

-----

ALICE' POV:

          MABIGAT ang loob kong bumalik kina Jem. Naiinis na ako actually sa kanilang dalawa.

          Hindi nakihalubilo si Shaicee    pagbaba. Sa mga boys sa bilyaran siya nagpunta. Ako nama'y kina Raga at Jem pa rin lumapit. Huminto na sila sa piano at gitara naman ang sinunod. Sina Raga, Jam at Rein ang nagbonding.

          Pumunta muna ako sa labas at nakita kong sumunod si Jem.

         "Alice, sa'n ka punta?"
         "Dito lang."
         "Wait lang!"
         "O bakit?"
         "Balik tayo sa loob dali, may papakita ako."

          Pumasok kami ulit at lumabas sa likod, sa may gilid ng pool. Lumakad pa kami ulit hanggang may isang lagusan na hindi mo mapapansin.

          "This is my secret garden. Beautiful?"
          "Wow!!"

         Hindi ako fan ng mga bulaklak, ng mga makukulay na bagay, ng nature etc. Pero sa parteng ito, naa-amaze ako. O dahil lang siguro wala akong nakikitang ganito sa normal na takbo ng buhay ko?

          "This is mine Jem. Ako ang personal na namili ng mga flowers na ilalagay dito. May binabayaran na lang sina Dad na hardinero na taga alaga. This is my sanctuary. Tara," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

          "Kapag nandito kasi si Kuya, mga friends niyang maiingay at mga pinsan ko, dito ako naglalagi. Nagsa-soundtrip, nagbabasa gano'n. Tapos, kapag puwedeng mamitas ng bulaklak, ako mismo nag-aarange."
          "Tapos?"
          "Binibigay ko sa Lola ko. Tara, do'n tayo. May swing doon sa dulo."

         Magka-hawak pa rin kami ng kamay ni Jem habang naglalakad.

         "Ikaw pa lang ang nadadala ko rito."
         "O? Bakit naman?"
         "Wala lang. Feel ko lang na dapat special ang nakaka-kita nito kasi special itong lugar na 'to sa akin."
         "Lately mo lang ako nakilala, special na?"

          Umupo kami sa swing na magkatapat.

          "Kamusta na sina Ice? Mukhang may LQ sila ni Ner ah."
          "Oo nga eh. Hinahayaan ko na lang. Malaki na sila."
         "Eh ikaw Alice, wala ka pang nagugustuhan?"
          "Wala namang guwapo sa school. Oh, your brother is handsome pala."
         "Oh…. So crush mo si Kuya?"
         "Of course not! Sabi ko lang guwapo, crush na agad?"
         "Naninigurado lang."
        "What?!"
         "Wala. Pero if Alice if may time na may manligaw sa 'yo na…. Babae rin? Open ka ba?"
         "Hmmm… kaya mo ba ako dinala dito para sa mga tanong na 'yan?"
         "Just answer me."
         "Demanding ka Jem ano?"
         "Just answer me nga."
         "Ewan ko hindi ko alam. Kung titibok, titibok."
         "So puwede kitang ligawan?"
         "Hinde!"
         "Hala!"
         "Hindi kita type. Tsaka alam mo, Love is not my cup of tea. Lason lang 'yan sa buhay."
         "Grabe, hindi naman. Man hater ka ba? Bakit ganyan na lang ikaw ka nega sa love?"
         "Basta lang."
         "Ay! Halika na! Tumatawag si Kuya. Nagtext kasi siya na baba raw tayo sa batis. Maganda din do'n, tara. Balik na lang tayo dito if you want."

         Lumabas na kami ng garden at nagpunta sa batis. Ang saya lang ng view, hahahah! Okay pala ang ganito na malayo minsan sa City. Dalawang kubo ang pahingahan dito.

Songs Of The Heart Series 2: Awit Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon