Chapter 7: Huwag na lang Ako

667 34 2
                                    


ALICE' POV:

        I admit Jem possesses good qualities to admire of.  And bit by bit, nadidiscover ko 'yon. Somehow, medyo nakakasanayan ko na ang mood swings niya. Daig ko pa'ng may sinusuyong jowa.

        Ganito pala 'yung feeling. Sanay ako na ako ang iniintindi ni Shaicee, spoiled ako do'n eh. Pero ngayon, ako ang somehow ang may iniintindi sa persona ni Anne Jewel.

        Siguro, kung hindi rin nalihis ang atensiyon ni Shaicee kay Neriza, ako pa rin itong nasa isang kahon ang mundo. Eversince naman, parte na ng pagkakaibigan namin ni Ice anything about Ner, the love of her life. Then now na slowly, nagkakaro'n ng katuparan ang lovelife niya, hinahayaan ko na siya. I'm really happy for her.

          For me naman, kay Jem? It is too early to tell. Ayokong bigyan ng meaning, we're just enjoying the company of each other.

         Bumalik na rin sa dating kuwela ang mood ni Jem after naming mag-dinner. Nauna na siya sa poolside at nahuli ako. Medyo humilab kasi ang tiyan ko sa buco salad kanina. After ng seremonyas ko ay dineretso ko na ng bihis ng swimsuit. Sanay naman akong magtwo-piece dahil mas komportable ko kaysa straight.

        May mga bagay akong nahihya pero ang mag suot ng swimsuit ay hindi. Kami-kami lang naman at hindi naman bastusin ang isusuot ko.

        Naka-robe ako ng lumabas ng banyo malapit sa kitchen. Binati ako ni Jecko. Pinupuno niya ng ice galing freezer 'yung dalawang pitsel. Medyo nailang ako kasi hubad siya pang-itaas at naka-walking shorts naman sa baba.

        "Hi!" bati niya.
        "Hi din."
        "Swimming time na. Enjoy na enjoy si Jewel."
        "Mukha nga."

        Lumapit akong kaunti sa kanya. "Ah Jecks…. Gano'n ba talaga sister mo?"

        "Makulit na matampuhin? Oo gano'n talaga. Bunso kasi eh, medyo spoiled. Hayaan mo lang pag inarte, huhupa din 'yon. Naaaliw lang siya ngayon sa atensiyon na hindi mawari. I mean, hindi niya ma-express 'yung excitement niya minsan."

        "Kilalang-kilala mo siya talaga no? Siyempre kapatid."
        "Hehe, medyo. So…. Let's go? Tara swim na tayo."
        "Need help?"
        "Hmmm…dagdagan kaya natin ng isa pang pitsel ng yelo? Nag-iinom na rin 'yung iba eh?"
        "Sige sige, ako na."
        "Sure?"
        "Sure."

         Pagtalikod ni Jecko ay tinawag ko siya. "Yes?"
        "Thank you… sa pag-offer ng place niyo? Masarap sa pakiramdam and nag-eenjoy lahat."
        "You're welcome. Para may maiwan naman akong memories before I leave for the States."
       "Tuloy na tuloy na ba?"
       "Oo eh. 'Yun nga pala bago ko makalimutan. Napansin kong magiliw sa 'yo ang kapatid ko. Kaya favor na sana ikaw o kayo na nina Ice ang bahala sa kanya?"
       "Eh baka nakakalimutan mong aalis din kaya ako? Kaya nga sinasanay ko na rin na mahiwalay kay Shaicee."
       "Haaay! Oo nga pala. Anyway, tara na nga sa labas."

        Sabay na kaming lumabas ni Jecko. Nasa pool na silang lahat except for Shaicee na nakita kong umakyat. Si Raga ang kumakanta sa videoke - "Zombie" kaya't nagkakatuwaan ang iba na hume-headbang sa pool.

         After kumanta ni Raga ay tinawag nya ako. Hindi naman talaga ako kumakanta, pang banyo lang kumbaga. At kung kakanta man ako, ayoko ng may sumasabay sa akin, nadi-distract ako.

        Kinuha ni Jem ang mic saka niya ako tinawag.
    
         "Babe! Come here, kanta ka na pliiit?" I don't know really what's in her voice na nagpalapit sa akin papunta sa kanya. May pa Babe-babe pang nalalaman.

Songs Of The Heart Series 2: Awit Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon