Chapter 9: A bit of Crush

609 31 2
                                    


JEM'S POV:

       It was fun being with Alice. Lalo akong nafo-fall sa kanya. Kahit napagkasunduan naming huwag na akong magbiro, hindi ko mapigilan.
Kasi, nararamdaman ko namang may something din si Alice sa akin, pinipigilan niya lang. Or inassume ko lang na Shaicee likes girls and so do Alice?

       Baka nga nabibigla ko si Alice at hindi  siya sanay. Gusto kong bumawi kaya kahit anong sa bihin niya, sinusunod ko.

    Masaya ako na kasama ko siya sa unang beses ko sa palengke, sa pagluluto at masarap sa pakiramdam na para kaming couple talaga na naghahanda ng pagkaing pagsasaluhan.

       With Alice, I feel so alive, I feel human, I feel home. Kahit napagmukha niya akong tanga sa buhay, okay lang. At least I have her to teach me. Sana…. Sana manatili siya.

   
      Pagbalik sa kuwarto niya ay sabay kaming naupo sa bed niya. Huwag daw kaming humiga dahil kakakain lang namin. Nag-kuwentuhan na lang kami.

       "So…. Ikaw Alice? How did you accept Shaicee's sexuality? Hindi ka ba nailang na babae rin ang gusto nya granting laging kayong magkasama? Did you feel betrayed?"

       "Teka lang ha, hindi ko ma-dig. Dami mong tanong, malalalim pa. Walang nagtatanong sa akin ng ganyan."

       "Kaya mo yan…"

       "Well… Di naman felt betrayed. Naintindihan ko naman na noon, mas gustong sarilinin ni Ice 'yung feelings niya. Feeling niya senseless din ishare sa akin kasi alam niyang patutunguhan. Napapansin ko ng iba siya kapag nandyan si Ner hanggang umamin na nga siya. When she admitted, di naman ako nagulat kasi nga napapansin ko na nga. Being friends with her, she liking girls doesn’t change anything. Wala lang.
Siya pa rin naman 'yon, friends pa rin kami. Never ko namang inisip na nagnanasa sya sa akin… di tulad mo."

       "Hahahah! Okay na sana eh. Pero honestly, masaya naman ako na kahit papaano, lumilinaw na ang kina Ice. Tayo kaya?"
      "Naku Anne Jewel, tumigil ka na kung ayaw mong itakwil na talaga kita. Nag-usap na tayo diba? Please?"
      "I know, sorry."
      "But you did a great job! May makukuwento na akong big accomplishment mo sa kuya mo."
      "Ha? Bakit? Si Kuya talaga. Kambal ko pero feeling sobrang tanda niya sa akin. I hate talaga na binebeybi ako. Tingin talaga nila sa akin weak, walang alam."
       "Hindi naman. Baby girl ka kasi nila."
      "Pero hindi ibig sabihin, ioffer mo na lahat sa akin na parang inutil ako."
      "Ay may hugot."
      "Huwag na huwag mong sasabihin sa kuya ko ha. Mag-o-ver react na naman 'yon."
      "Natural lang kasi 'yon."
      "Hmmmm… Alice.."
      "O?"
      "Gusto mo ba mag-asawa?"
      "Ewan ko."
      "Puwede ba 'yon?"
      "Hmmm.. Sa ngayon siyempre hindi kasi studies muna. May mga pangarap pa ako na magka-bahay para magkasama na kami ng Nanay ko. Kung pagtanda ko at bigyan ako ng Diyos ng asawa, hindi mo na 'yon mapipigilan."
       "May crush ka ba ngayon?"
       "Hahahah!"
       "O ba't ka tumawa?"
       "You're fishing info."
       "Masama ba? Friends tayo right?"
       "Hmmm… siyempre mero'n din naman. Hindi naman ako bato. 'Yung kabanda ng kuya mo crush ko dati pero hindi na ngayon."
      "Ahhh… si Kuya hindi mo crush?"
      "A bit? Alam ko kasi si Ice ang type niya eh diba?"
      "Eh yung a bit? Mero'n pa?"
       "Uhm.. Wala na. Crushable naman talaga Kuya mo. Sino bs'ng hindi?"
      "Si Ice."
      "Hahahah! Given na 'yon kasi babae rin gusto niya."
      "Ikaw?"
      "Anong ako?"
      "W-wala. O pa'no, papasundo na lang ako sa driver namin para makarest ka na rin."

      Pag-uwi ng bahay ay si Alice pa rin ang laman ng isip ko. Gusto ko talaga siya. Siguro nga nabibigla siya sa akin. Well I guess let me take it one a time.

Songs Of The Heart Series 2: Awit Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon