Chapter 13: The Clash Between Scyde and Jhayden

Start from the beginning
                                    

Sumama ka sa’kin.”  He said. At kung makatitig siya ay para bang kakainin niya ako ng buong-buo.

Sa-saan naman?”  I stumbled. Medyo nakaramdam na kasi ako ng takot sa mga ikinikilos ni Scyde. Para kasing may kakaiba sa mga yun ngayon.

“Just come with me.”  At basta-basta niya na lang akong hinila sa wrist. Atittude, check! Bastos talaga siya! Wala naman akong magawa kung hindi sumunod sa kanya. Ano bang problema niya at bakit parang ang init ng ulo niya ngayon?

Habang tumatagal ay para bang humihigpit yung hawak niya sa’kin dahilan para masaktan ako sa ginagawa niya.

Teka lang, Scyde. Na-nasasaktan na ako.”  Reklamo ko sa kanya. Pero nonsense ang ginawa ko dahil patuloy pa rin siya sa paghigit sa akin.

Scyde, sa-sabing nasasaktan ako.” Pagpapaulit ko pero walang nangyari. Hindi pa rin niya ako pinapansin at feeling ko, naririnig niya naman ako pero sadyang ayaw niya lang sumagot. But seriously… Gosh! Nasasaktan na talaga ako.

Hindi mo ba naririnig? Sabing nasasaktan na si Meicah sa ginagawa mo!”  someone behind me shouted that. Tapos bigla na lang na may mabilis na umagaw ng wrist ko sa kamay ni Scyde. Napatigil kami sa nangyari. Si-sino kaya ang gumawa nun? Hindi kaya si...

Jhayden?!”  I said when I recognized na siya nga ang humila ng kamay ko mula kay Scyde. And now, what is he doing? He’s holding my hand in front of Scyde.

“What the f:)ck!” Scyde exhausted dahilan para maglingunan yung mga nakarinig. Saka ko lang napansin na nasa corridor na kami. At dahil nga dun, nagsimula na silang magbulungan tungkol sa amin. Gahd, panibagong kahihiyan na naman ito.

“May idea ka ba kung anong ginagawa mo ha?”  maangas na sinabi ni Scyde kay Jhayden habang papalapit siya. Naramdaman ko naman na unti-unting humihigpit ang pagkakahawak ni Jhayden sa kamay ko.

Kinakalaban mo ata ako.” he continued in a manlier voice. Saka niya tinitigan si Jhayden sa mga mata.

Baka nakakalimutan mo, ako ang Campus Bad Boy. Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin sayo?” Pananakot ni Scyde kay Jhayden and please, sana walang mangyaring masama sa kanya dahil hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Kilala ko si Scyde, lahat ng magtangkang bumangga sa kanya ay napapahamak. Ipinagdadasal ko na ‘wag sanang matulad si Jhayden sa kanila.

Back to YouWhere stories live. Discover now