Chapter 13: The Clash Between Scyde and Jhayden

245 17 3
                                    

CHAPTER 13: THE CLASH BETWEEN SCYDE AND JHAYDEN

________

MEICAH

I heard the bell of our department rang, dahilan para magsipasok na sa mga kani-kanilang room ang lahat ng istudyante. Lunes na naman ngayon and it means na kapag lunes, simula din ng bagong week na tutukan at puyatan sa pag-aaral. Pero anong ginagawa ko ngayon? Heto, nakatayo at nakatingala sa harap ng Dean’s Office namin. Nag-request kasi si Jeronne na dumaan muna kami dito bago dumiretso sa room dahil nalaman namin na nandito si Scyde dahil may panibagong reklamo na naman sa kanya. Nabasag daw kasi ng isang istudyante ang DSLR Camera ni Scyde na gamit niya sa club namin kaya ito nanuntok kaagad. Dumugo ang ilong ng istudyanteng yun, dahilan para madala siya sa clinic. Nako naman. Magtatatlong buwan pa lang kami sa STU pero ang mga istudyante at Professor namin ay parang araw-araw na lang siyang inirereklamo. Isa pang major report sa kanya at kapag nakarating iyon sa Student Council, tuluyan na siyang matatanggal sa STU. Kaya masabihan ng Campus Bad Boy e. Lahat ay takot sa kanya.

Sumilip ako sa may pinto para makita kung ano ang nangyayari sa loob. Natanaw ko doon si Scyde na nakatayo sa harap ng aming Dean habang pinapagalitan siya nito. Si Jeronne naman ay nakatayo sa likod niya habang halata sa mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan. Kahit nasa labas ako ay rinig ko ang pagsigaw ng Dean namin kay Scyde. Napapatakip na lang akong ng tainga. May mga salita kasi na hindi kaaya-aya ang naririnig kong sinasabi sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting inis. Grabe naman. Oo, may mali si Scyde dahil nanuntok siya agad. Pero hindi naman ata tama na sabihan siya ng mga ganung salita. Nasasaktan din naman siya.

Napaupo na lang ako sa upuan na malapit sa akin. Para bang nasaktan din ako sa mga narinig ko.

Haaaay. KawawanamansiScyde.

• • •

During our morning classes, halata kay Scyde ang walang gana sa pakikinig sa klase. Buong umaga lang siyang nakayukyok sa desk ng upuan niya na katabi ko naman. So bale napaggigitnaan ako ng angel kong si Jhayden, at isang, hmmm… sabihin na lang natin na not-so-angel na si Scyde na katabi naman si Jeronne. One time pa nga, napatayo at napalabas siya ng room namin dahil sa natutulog ‘to sa oras ng klase. Hindi man ako sigurado pero feeling ko, may problema siya ngayon. Napabuntong hininga na lang ako habang naiisip yun.

AnokayangproblemaniScyde? Tungkol pa rinkayasanabasagna camera niya? O may iba pa?

Meicah, tara na. Kumain na tayo.Natauhan ako bigla mula sa aking malalim na pag-iisip nang marinig kong nagsalita si Jayjay sa kanan ko. Nagulat din siya sa reaksiyon ko. Uy ayos kalang?”

“Ah, o-oo Jayjay. Okay lang ako.”  I rubbed my face. Shocks! Nasosobrahan na ata ako sa pag-iisip ah. Hindi naman ako ganito dati.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Papunta na sana ako sa direksiyon ni Jhayden nang bigla-bigla na lang na humarang sa harapan ko si Scyde. Sa gulat ko ay napaatras ako bigla. Siraulo ‘tong lalaking ‘to ah. (-___-)

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon