Chapter 11: The Basketball Issue (Part 1)

394 23 6
                                    

CHAPTER 11: THE BASKETBALL ISSUE (PART 1)

 ________

 MEICAH

 Ilang araw na din ang lumilipas simula nang may hindi inaasahang nangyari sakin sa news club, sa araw pa ng Club Opening at SC election. Bigla na lang daw kasi akong bumagsak at nawalan ng malay kaya dinala ako sa clinic ni... OMG! Naalala ko na naman bigla ang bagay na yun! (>/////<)

 Kwento kasi ni Aira na si Scyde daw ang bumuhat sakin para dalhin ako sa clinic at nung magising din ako doon ay nagulat ako dahil si Scyde lang ang nakita ko sa aking tabi. Pero hindi naman kasi yun yung dahilan kung bakit ako nag-ba-blush ngayon e. Yun ay yung moment na... niyakap ko si Scyde sa loob ng clinic. Uwaaaaaaaaaa! Napatakip ako ng unan sa mukha ko. Naalala ko na naman yun habang nakahiga pa ko sa kama ko ngayon. Nakakahiya talaga! Bakit ko pa kasi ginawa yun? Kahiya-hiya ka Meicaaaaaah! (>/////<)

 Pero sa totoo lang, I considered Scyde as one of my close friends now. Oo tama. Me and that irritating guy are now, friends. Hindi ko rin maisip kung paano nangyari yun e. Pero siguro dahil sa pagiging sobrang protective niya sakin kaya naging malapit na ang loob ko sa kanya. Isa pa yung pagiging caring niya sakin na nahahalata ko kahit hindi niya man sabihin. And that gesture of Scyde... little by little... making me... fall in love with him? Gosh, not now Meicah!

 "Kulot, kumain ka na!" sigaw ni kuya sa ibaba. Yang tawag na naman na yan ang nakakasira ng umaga. Kulot, lagi na lang kulot kahit hindi naman. Pakalbo ma kaya ako? (-____-)

 "Opo, my monster brother!" I yelled back. Saka ako umupo sa side ng kama ko. Siguro tama na muna ang pag-iisip kay Scyde.

 Thanks God it's Saturday. At kapag Saturday, walang puyat, walang pressure, walang terror teachers. Hayahay ang buhay. (^____^)

Dumiretso ako sa kusina para mag-almusal pero nagulat ako nang hindi ko makita doon si kuya na kadalasan naman ay tapos nang magkape kapag nagigising ako sa umaga. Lumakad pa ako palabas ng bahay at doon ko nakita si kuya sa aming maliit na parking na kasalukuyang pumapasok sa Adventure niya.

 "Kuya sa'n ka pupunta?" tanong ko kaagad habang papalapit pa sa pinto ng kotse niya.

"Diyan sa tabi-tabi, mangchi-chicks." Nakakairitang sabi niya.

Tiningnan ko naman siya ng masama nang marinig ko yun. "Sige, ayos yan. Wag ka nang babalik ha." Natawa na lang siya bigla sa sinabi ko. Pero—argh! Bakit ganun? Ang pogi ng kuya ko kapag tumatawa?

Pinat niya bigla yung ulo ko. "Aalis ako para asikasuhin ang kaso ni Papa."                                                                                      

"Kaso?" Napatigil ako saglit sa narinig ko. That remind me of my father again. "Kuya, hindi mo pa ba ititigil 'to? Pwede na bang kalimutan na natin yun?" Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Napayuko at napaisip saglit.

"Hindi." bulong niya. "Hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang nangyari kay Papa. Dapat magbayad ang gumawa nun sa kanya." Ramdam ko sa boses ni kuya ang galit. Kaya kahit gusto ko siyang pigilan, wala na rin akong magawa dahil kapag gusto niya, gagawin at gagawin niya.

 "Sige, aalis na ako kulot. Ikaw na ang bahala dito sa bahay ah. Wag kayong masyadong magulo kapag nag-group study kayo." sabi nito habang pinapaandar ang makina ng kotse niya. Nag-nod lang ako bilang sagot at maya-maya ay umalis na siya.

Back to YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant