Chapter 12 - Ang Pagbabalik ( Edited)

11.6K 284 4
                                    

Thank you so much for supporting my story! ✨ Here you go guys!  For those who were waiting hihihi enjooy! And stay safe!

===================================

NARRATOR'S POV

Kasalukuyang nasa sala ang magpipinsan. Mula kahapon ay hindi na mapakali sina Jane at Ax dahil may sasabihin ito sakanila.

" Hoy bakla! sa tingin mo nahanap na niya?" tanong ni Jane.

" Aba't hoy! Fyi lang ha---hindi ako bakla tsk sa gandang lalake kong to, bakla?! Makapagsabi ka ah!" Naasar na sagot ni Ax. Inismiran lang siya ni Jane saka kumuha naren ng tinapay.

" Eh narinig ko kay Kurt eh! Sagutin mo muna tanong ko" Napangisi si Ax nang marinig ang pangalan ni Kurt. Mukhang magpapatuloy ang OPLAN niyang bwisit si Jane.

Humarap siya kay Jane, pero bago siya magsalit ay uminom muna siya.

"Hoy pinsan sa tingin mo hindi ko napapansin ang pagtingin mo kay Kurt sa klase ah! Ikaw aahhh" sinundot sundot niya pa sa tagiliran ang pinsan.

"A-ako? T-tumitingin d-doon?! Fuck no! H-hindi ko siya tinitignan ng madalas" napatakip ng bibig si Jane ng biglang naisip ang kaniyang mga sinabi. Tumawa nalang si Ax sa katangahang nagawa ng pinsan niya.

" Hindi ko alam na trip mo pala mga unggoy tsk tsk tsk" sabi niya sabay iling. Nairita si Jane kaya pinagpapalo niya ito ng unan sa sofa.

" Bwisit ka! Hindi nga sabi! Ang kulit din ng lahi mo no? Isa ka rin naman sa mga unggoy eh ikaw pa nga ang hari!"

"Aray Tama na!! - isa Jane shit ka talaga! Para namang - aray! Oo na tatahimik na nga ako! Pustpa masakit!"

Tumigil na si Jane sa kakapalo at tinignan si Ax na sapo sapo ang ulo. Hindi parin nakapagpigil si Jane at binato si Ax ng tsinelas.

Napahalakhak ito ng makitang sapul na sapul sa mukha ng binata ang tsinelas na binato nya.

" Jane!!!! Inaano ka bang babae ka?! Shit ka talaga! Ang dumi dumi ng tsinelas tapos ibabato mo sa mukha ko?! Nak ng!" Kumuha agad siya ng panyo at alcohol at pinagpunas sa mukha niya.

"Arte neto! Parang tsinelas lang eh!"

" So kung babatuhin kita ngayon ng tsinelas--" kinuha niya ang tsinelas at umamba na ibabato kay Jane.

"--Okay lang sayo?" ngising sabi niya.

Nanlaki ang mata ni Jane ng makitang hindi lang tsinelas ang hawak niya kung hindi, sapatos! Nalintikan na!

"T-teka! Sapatos naman yan eh! ---- sabi ko nga peace na tayo ahh! Aruy! Ang gwapo gwapo mo talaga! Anong sikreto mo? Grabe talaga sa sobrang pogi mo gusto kitang isako hehe este ibulsa hehe."

The Devil's Comeback.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt