Chapter 12: Let the Flame Burst

1.5K 94 6
                                    

ORDINARY HEARTS

Chapter 12: Let the Flame Burst

 Play the song:)

External Link: IMMORTAL DIARY (Fantasy / Romance)

                UMIIYAK habang nag-iimpake ng kanyang mga gamit si Castiel. Masama pa rin ang loob niya sa sarili dahil sa ginawang pananakit niya kay Chloe. Hindi pananakit ng pisikal kundi emosyonal. Nag-uunahan ang mga luha sa kanyang mga mata.

                “Ayos ka lang ba anak?” tanong ng kanyang ina.

Hindi niya nilingon ang ina dahil hindi niya alam ang sasabihin. Alam ng kanyang ina ang tungkol sa kanila ni Chloe at kung gaano siya kagusto ng dalaga.

                “M-magiging maayos din po ako ‘Nay,” singhot niya atsaka nagpatuloy sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Marahang lumapit sa kanya ang ina at hinaplos ang kanyang likod.

                “Pareho kayong nasasaktan, alam ko,”

                “Pero ‘Nay kailangan kong gawin ‘yon para makapag-aral ako ng tama. A-alam niyo naman po ‘di ba kung gaano kahirap maging doktor? Kung lagi siyang nasa sistema ng utak ko baka hindi ko ma-prioritize ang pangarap ko.” Saka lang humarap ang binata. Luhaan pa din.

                “I-ikaw ang bahala. Inaalala lang naman kita.”

                Naupo si Castiel sa gilid ng kanyang kama nang makaalis na ang kanyang ina.

                Ang sakit naman... na kailangan mong iwan ‘yung taong mahal mo dahil din sa pagmamahal. Mahal ko si Nanay at ang kapatid ko kaya ko iiwan si Chloe. Alam kong hindi ako makakapaag-concentrate sa pag-aarl kung asa tabi ko siya. Hayaan mo Chloe.. balang-araw babalik ako.

                HANDA na ang lahat; ang masasarap na putahe ng pagkain, ang malambing na musika pati na si Trinity. Ilang sandali pa nga ay dumating na si Red at si Emma.

                Nang mapagbuksan sila ng katulong ay sinalubong agad sila ni Trinity.

                “Welcome...” ngiti niya sabay beso-beso kay Red. Pagkuwa’y kay Emma. “Humanda ka na Emma... sasabog ka na...” bulong niya dito saka sinamahan pa niya ng mahinang hagakgak.

                Sa sala muna dumiretso ang tatlo. Naupo sila sa sofa at binigyan sila ng wine ng katulong.

                “Para saan naman ‘tong dinner na ‘to Trinity?” tanong ni Red.

                “Nothing. I just miss you Red....” tapos ay ngumiti muna siya saka uminom ng wine. Nakita niyang sumimangot si Emma. “Of course pati naman ikaw Emma.... I miss you too..”

                “Ang weird mo talaga....” biro ni Red na binitiwan ang kopita sa may center table. “Kain na tayo? Mukhang ang sarap ata ng niluto mo...”

                “Masarap talaga lalo na kapag bawal... ‘di ba Emma?” pinatatamaan niya talaga si Emma. Iyon naman talaga ang plano niya— ang inisin si Emma.

                “Shut up!” mahina niyang irap kay Trinity. Pagkatapos no’n ay nag-ring ang doorbell. Mabilis na tumayo si Trinity.

                “May iba pa tayong kasalo?” takang Red na patayo na din.

                “Yap. Just wait, okay?” atsaka na nawala si Trinity sa kanilang paningin at tinungo na ang pinto. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa sala kasama ang lalaking hindi inaakala ni Emma. Nanlaki ang kanyang mga mata.

ORDINARY HEARTS [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon