Chapter Two: 6 Realms

9.2K 367 12
                                    

***
Author's Note

I've edited the names of the 6 realms.

I'm still editing things so please kung may mapapansin kayong mga wrong grammar at mispelled words, remember na lang na di ako perfect haha.

Maraming salamat sa pagbabasa.

Like. Comment. Share
(Kung bet nyo lang naman)

***

Ireneia Xyke Vein


Siguro ay nagtataka kayong lahat sa kung ano na ba ang ganap sa buong Heleina Cross matapos ang dalawang taon.

Marahil ay kasama sa mga katanungang iyon kung nasaan na ba ang ibang myembro ng Alphas at bakit hindi na kami magkakasama.

Well, it's not that we'll never see each other again. Nitong nakaraang tatlong buwan lang naman namin hindi nakita ang isa't-isa dahil sa personal naming mga trabaho bilang sundalo ng Heleina Cross.

Para naman hindi kayo mang-mang sa bagong mundong ginagalawan namin malayo sa academy, I'll do the honor in introducing you all to our new lives.

Unahin na natin si Helios.

Well, 2 months after the 3rd Blue moon, Helios challenged Aleina Wayne into a fight para maging heneral ng alta guild. Doon ko din nalaman na matagal na pala iyong pinagiisipan ni Helios at hindi lang nya magawa dahil nagdadalawang isip syang iwanan ang alphas knowing na ang hahalili sakanya ay si Luques.

Hindi naman sa wala syang tiwala kay Luques. Gusto lamang nyang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng matalalik na kaibigan.

Luques hates having responsibilities. Inamin nito iyon saamin. Kaya ng umalis si Helios ay ako ang naging kapalit nya bilang head ng alphas.

Kung tinatanong nyo kung anong nangyari sa relasyon namin ni Helios?

Sa awa ng mga diyos ay nalagpasan din naman namin kahit na halos hindi na kami mag-usap dahil sa pagiging abala namin sa kanya-kanyang misyon at trabahong kailangang gampanan.

Imbes nga na ako ang maghabol sa oras nya ay sya pa ang nahirapang hagilapin ako dahil sa dami ng misyong pinapagawa saamin hindi lamang ni Head Mistress ngunit pati na rin ng council.

Halos lahat na lang ay pinagseselosan nya. Lahat na lang ay binibigyan nya ng issue.

But instead of getting tired of him during those times, I loved him even more. Helios may be possessive pero hindi sya iyon kung hindi sya seloso. Siguro ay magtataka ako ng sobra-sobra kung sakaling hindi sya magseselos sa tuwing makikita nya o mababalitaan nyang may nagbibigay saakin ng bulaklak sa academy o sa labas ng academy.

Sa ngayon ay abala si Helios sa pakikipagpulong sa councils ng bawat realms bilang bagong appointed commander in chief ng buong army.

Now, let's move to Luques the great Ferior. Maybe you are all wondering kung bakit may the great na sa gitna ng pangalan nya. Well, he started calling himself that nang maging totoong sila ni Lynia at nang matalo nya si Helios sa isang sparing.

He's now Helios' right hand man.

Personal Alalay kung baga.

Ngunit masaya naman sya sa posisyon na iyon kaya hayaan na natin.

Let's talk about Nikolei, Nikolei became the captain of Caeli Guild, Air Kingdom's first troop defense. He's under my command so paminsan-minsan ay nagkikita kaming dalawa together with the other captains of the 3 realms.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildWhere stories live. Discover now