Chapter 17

13.4K 125 1
                                    

How's my story?

Chase Clifford------->

-kathycarrot26

Vanessa's POV

Hila-hila ako ni Aldrin, hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta hila lang siya ng hila. Tumigil kami sa isang magandang bahay at pumasok dun.

Seriously bahay ba nila 'to. May isang malaking swimming pool dito, napakalaki pati.

Nakahanda na ang dining area, napalaraming pagkain. Ano 'to fiesta?

"Sinong may birthday?"

Tanong ko mula sa kawalan, eh pano napakadami talaga.

"Walang may birthday, ganyan lang talaga dito."

Mula sa hagdanan may babae at lalakeng bumaba, sa palagay ko parents niya yun. Sumunod naman si Tin na bumaba, nakangiti siya sa akin.

Ngumiti lang din naman ako sa kanya.

Habang nakatayo pa kami nagsalita si Aldrin.

"Mommy and daddy, my soon to be wife, Kate."

Hinampas ko siya ng mahina at tumawa sila.

"Wag po kayong maniwala diyan."

Sabi ko.

"Wala namang masama doon ija."

Sabi ni tita Stella, sinabi na sakin ni Aldrin ang pangalan ng parents niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay tita Stella, pano ba naman kasi feeling ko familiar yung mukha niya.

Umupo na kami para kumain, habang kumakain ang tahimik namin. Si Aldrin lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko.

"Hey, tataba ako niyan."

Bulong ko sa kanya.

"Don't worry, kahit tumaba ka, mahal pa rin kita Kate."

Ngumiti siya sa akin ng napakalawak at sinubuan ko na lang siya. At ganun din ang ginawa niya sa akin.

Naiinis ako, nakakakilig kasi.

After kumain saka kami nagkwentuhan.

"Ija, is it real? Naikwento sa akin ni Aldrin na you are good in baking?"-Tita.

"Nagsisinungaling po yan, marunong lang po."

Pagpapahumble ko, magaling talaga ako. Si Tim nga pag nagba-bake ako ng bake mac, gustung-gusto. Pero I know how to bake cakes, muffins and many more.

"Kaya siguro nainlove 'tong anak ko sayo! Ako rin nainlove kay Stella dahil magaling siyang magbake."

"Binobola mo na naman ako Steve."

Tapos nagkiss sila, napatingin ako kay Aldrin, nakangiti lang siya habang pinapanood ang mga magulang niya.

"They are so sweet kahit may edad na sila. Gusto ko ganyan din tayo Kate. Gusto kong makabuo ng magandang pamilya, malaking bahay. Ikaw, ako at ang mga magiging anak natin. Gusto ko maging masaya tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko and squeezed it slightly.

*Kring! Kring!*

"Excuse me."

Sabi lang ni Tin at tumayo na. After makipagwemtuhan, nilibot ko ang bahay nila Aldrin at tumigil sa pool area.

"You've recieved my gift Timothy?"

Napapangiti siya habang kausap niya sa phone si Tim, I am wondering ano kayang pinag-uusapan nila.

"We will play diba? Ikaw ang nagsabi niyan sa akin."

His Desired Woman (Completed)Where stories live. Discover now