Chapter 14

12.3K 117 0
                                    

Hency's POV

College pa lang kami magbestfriend na kami ni Kate, mapautot man niyan kilalang-kilala ko na. Kaya alam na alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon.

She's totally confused.

Sino nga bang pipiliin niya eh parehong naggwa-gwapuhan ang mga lalake sa buhay niya, eh kung isa na lang kasi? Di pa siya mahihirapan.

But if I were her, I will choose Timothy.

Honestly speaking, Timothy had sacrificed a lot for my best friend.

Competition ngayon ng Lawn tennis in the National tournament, Timothy is not yet here siya lang ang panlaban ng university namin laban sa iba't-ibang university. 3 MNUTES NA LANG! Disqualified na kami, yung mga babae pa naman dito siya ang gustong panoorin, panigurado pagnadisqualified siya wala ng mga tao dito.

Nagbeep yung phone ko.

Hency, where are you? I need your help in preparing my plans for her birthday today.

-Timothy.

T*ng *n*! Nag-iisip ba siya?!

Pumunta agad ako sa unit niya, we used to stay here kapag wala kaming klaseng tatlo (Ako, Janine, Kate)

Pagbukas ko, nakita ko agad siya at naka-apron he is massaging the dough and his kitchen is really a mess! Lumapit ako sa kanya.

"Are you out of your f*cking mind Timothy? Birthday lang ni Kate ngayon, tapos pinagpalit mo sa National Tournament?!"

Ngumiti siya sa akin at tinuloy ang pagmamasa.

"I know, I love Vanessa. Sobrang dami pang tournament na pwede kong salihan unlike Vanessa's birthday, hindi ko alam kung ilang birthdays niya lang ba ako makakasama. Baka ngayon lang o sa susunod, I want it to be the best. I want her to be the happiest woman on earth because she has me."

"You are CRAZY!"

But it makes sense, kaso lang sayang pa rin talaga. If manalo siya sa NT he might be the representative of the Philippines.

Meron pa akong naalala.

It's his board exam day. Kate was sick, nagbabantay kaming dalawa kay Kate dito sa hospital. Hindi ko maintindihan kung magta-take ba siya o hindi, eh pano kasi this past few days wala siyang ginawa kundi magbantay lang kay Kate. He does love her I know.

"Go home now, you should take the board exam."

Ngumiti lang siya sa akin, katulad ng dati.

"Hency, di ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama kay Vanessa ng wala ako sa tabi niya. The board exam, I can take it next year or on the other year, but not now."

Ano bang klaseng lalake talaga siya?!

"Seriously?! Dapat di mo na ginugol ang oras mo sa pagre-review few months ago!"

"I don't want to talk about it, you are the one who should go now. Di ka pa natutulog simula kagabi. I can handle this."

"Ano pa bang kaya mong isakripisyo para sa kaibigan ko?"

I have the sarcastic tone there.

"Everything, I can sacrifice everything, even this life."

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Kate, di ko na kayang pigilan yung galit ko. Nabwi-bwisit talaga ako sa kanya bakit ba kasi antanga niya?!

Lumabas na ako ng room sa hospital at umuwi na sa bahay.

Antanga ni Timothy diba? Hindi ko alam kung ano pa ang sinakripisyo niya para lang kay Kate.

Since nung mamatay yung baby nila, dun nagsimula ang lahat. She said gusto niyang sumaya at mag-enjoy, eto namang si Janine kung anu-anong sinabi kay Kate.

Kumbaga si Janine ayaw niya kay Timothy for Kate, ako naman gusto ko siya para sa kaibigan ko, alam ko kasi kung ano ang mga nagawa niya at kaya niyang gawin para kay Kate.

Timothy hates us dahil sa pinaggagawa namin kay Kate, aminado naman ako na kasama ako lagi sa mga beer hopping nila.

Gabi-gabi ata nasa bar kaming tatlo, lalake dito, lalake doon. Ganun ang naging buhay ni Kate then he met Aldrin. Our president.

Hindi ko na alam kung anong meron kay Timothy at kay Kate ngayon as of now kasi yung nakita ko last time. Yung hindi niya pinansin si Kate, parang ibang tao na siya, halos walang emosyon na makikita sa mata niya except pain.

"Hon, ano ba yang ginagawa mo? Let's go, nagugutom na ko."

Nagkwe-kwento pa eh! I have a boyfriend, 5 years na kami. Si Jerome, I love him with all my heart syempre kahit extra dapat may lovelife :D

Nandito kami sa isang 5 star restaurant and what the?! Andito si Raz with a guy, di ko makita yung mukha nung guy but as of now I know his looks it's Timothy.

"You've made up your mind?"-Raz.

"Yeah, she is happy with that guy. Then, masaya na ako para sa kanya."-Timothy.

"You won't fight for her?"

"What for? Hindi niya man lang nga ako pinaglaban. I can't hold her anymore kung siya mismo bumitaw na."

"Timmy, it's not what you want!"

"Yeah, it's not what I want but this is what she wants."

"F*ck you, you even sacrificed the contract in London for her tapos ganito lang ang mangyayari?!"

"Stop it, it does not make sense anymore. Diba, gusto mo naman 'to? Then support me. They will pay for the damage they have made."

"No Timothy, I know you. You can't hurt her physically or emotionally rather."

"People do change Razziela."

Hindi ko naman talaga aim makinig sa usapan nila I am just curious, mga tao kasi mahilig sa chismis.

"Hon, ano order mo?"

"AY LONDON!"

Bigla kasi akong tinanong ni Jerome eh nakikinig ako sa usapan nila -_-

"Pork steak na lang hon. Saka dagdagan mo ng fries and large burger."

"Baka tumaba ka niyan?"

"Okay nga yun eh."

Umalis na siya at pumunta sa counter, ibinalik ko yung tingin ko sa kanila kaso pagtingin ko wala na -_______-

NAMAAAAAAAAN!

His Desired Woman (Completed)Where stories live. Discover now