Fangirl- At One Glimpsed, Lee Donghae (Short story)

693 27 13
                                    

alay ko 'to sa lahat ng fans na pumunta sa trinoma event center para makita ang SiHae

andun ako XD

WARNING!! masyadong ambisyosang froggie ang short story  na itey! pag tyagaan nyo na

******

 Fangirl- At One Glimpsed, Lee Donghae

Siwon & Donghae 

in Manila 

#SiHaeInManila

Nandito ako sa Trinoma,Event center.

I'm standing here since 1pm.

May event kasi ang Bench at guest si Siwon and Donghae ng Super Junior.

Isa akong Fangirl.

Isang Fangirl na hindi kayang panindigan at tustusan ang pagiging fangirl ko.

Walang dala na posters, magazine, picture, ng SuJu.

Kahit na 'Sorry Sorry' t-shirt wala ako.

And i feel awkward. Kami ng mga friends ko,

Everytime the crowd sing SuJu's song.They bounced their head left to right. We're out of place.

Yes, i'm a poor fan. Kasi mababaw palang ang kaadikan na nararamdaman ko.

They screamed

"Donghae! Siwon!"

"Donghae! Siwon!"

di bale nakikisigaw din ako. Lungs out,un lang ang kaya kong i-contribute.

Mas lalong naging intense ang venue dahil malapit ng mag ala-singko. Mas dumami pa ang tao.

Sa apat na oras kong nakatayo.. Parang instinct na ng crowd na magsiksikan, magtulakan. Naranasan kong maipit sa maraming pagkakataon. Mabugbog at maligo sa pawis.

Dumating ang media pag sapit ng ala-singko. Journalist, paparazzi. Camera men, at alam nyo ba kung san sila pumwesto? 

Sa harapan namin.

Ung tipong mataas na nga un tinutungtungan nila sa gitna, at tumayo pa sa upuan. 

Ugh! Waley na talaga kami makita. Kahit na ung dalawang malaking screen sa stage ay hindi ko na matanaw :(

Nag start na ang event. Nagsalita na ang host na koreana. She speaks English.

Lalong nagkagulo ang mga tao sa labas dahil narin sa kagustuhan pumasok.

Aw! Ipit na talaga ako! Tulak ng bouncer sa harap tas tulakan din ng tao sa likod. So what do you expect?

"Jess, hahanap lang ako ng pwesto sa 2nd floor baka meron pa! Hirap dito eh. Hindi natin makita. " 

"Sige text mo ako ha!"

Tumakbo ako habang nakatingin sa stage. Pero dahil sa sobrang dami ng tao...patuloy akong nalalayo at natatabunan. Hindi ko na talaga matanaw ang stage.

Umakyat ako ng escalator.

"WAAAAHHH!!"

"WAAAAHHH!!"

nakarinig na naman ako ng nakabibinging sigawan.. At parang automatic na sa akin ang mataranta.

Tumakbo ako at kagad naghanap ng pwesto..pero kahit anung lingon ang gawin ko. Di ko parin makita ang SiHae :'(

My Super Girl (Super Junior FANFIC)Where stories live. Discover now